Chapter 1

24 6 2
                                    

Bata palang ako ay planado na ang mga mangyayari sa kasal ko. At syempre, habang tumatanda ako ay mas nadagdagan ang mga gusto kong mangyari sa araw na iyon.

Pero noong namatay si Mama at Papa ay nawalan ako ng gana dahil isa sa mga plano ko ay dapat sila lang ang maghahatid sa akin sa altar at dahil nga namatay sila nang maaga, parang wala rin lang kwenta ang mga plinano ko.

Pero siguro nga talaga ay ipinanganak ako para mag delusyon sa kasal ko habang buhay dahil noong nag college ako ay nakilala ko itong mga tatlo kong kaibigan—si Jolene, Dakota, at Maisey na obsessed na obsessed din pala sa idea ng marriage kaya napabalik loob ko.

Ang sabi ko, kapag kinasal ako dapat ay may mga bubbles sa paligid habang naglalakad ako palapit sa altar kung saan naghihintay ang lalaking mapapangasawa ko at makakasama ko sa habang buhay. Pero ni isang beses sa pag-eexist ko for 21 years sa mundong ito ay hindi ko nakita ang mukha ng lalaking iyon kahit man lang sa panaginip.

Ginawa ko ng tradition ang pagdalaw sa puntod ng parents ko at sa simbahan every Sunday para ihiling at ipagdasal na sana ay makita ko na siya, at sa tingin ko ay tinupad na nila iyon sa araw na ito dahil habang nag lalakad palapit sa amin ang pinaka gwapong doctor na nasilayan ko sa buong buhay ko ay nakakakita na ako ng mga bubbles sa paligid at nakikita ko na rin siyang nakasuot ng barong habang ako naman ay may puting belo sa ibabaw ng ulo dahil traditional Filipino wedding ang gusto ko.

Nang tuluyan na siyang na siyang nakalapit ay huminto mismo sa harap ko kaya mas natulala ako at hindi makagalaw.

"Let go," aniya at naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko.

Humangin ulit nang malakas kaya nilipad ang buhok ko at napakurap nang dalawang beses kasabay ng pagdaan ng mabagong amoy na parang pinaghalong alcohol, baby cologne, at baby powder.

"I do," wala sa sariling bulong ko.

Nakita ko ang pag kunot ng noo ng doctor dahil sa lalim ng pagtitig ko sa gwapo niyang mukha.

"Miss, I said let go," pag-uulit niya sa sinabi kanina pero hindi ko parin naintindihan dahil parang dumaan lang 'yon sa tenga ko na tila bulong habang sinusundan ko ang bawat galaw ng mapula niyang mga labi.

"ha?" Nilisan ko na ng tingin ang labi niya at tumingin nalang sa mga mata niyang mas nakakatulala pala dahil kulay gray ang mga iyon.

"Bitawan mo," he uttered.

Tunog iritado na siya kaya isinarado ko ang bunganga ko at tumango nang paulit-ulit kahit na hindi ko gets ang sinabi niya. Hindi ako huminto sa kakatango para hindi niya mapansin na iniisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Iyong tuta, bitawan mo," he repeated again after a few moments of me nodding my head kaya mas napatango ako at napa ahhh pa dahil nakalimutan kong may emergency pala kaya ako napadpad dito.

Masyado kasi akong nadistract sa kagwapuhan at kabanguhan niya.

He carefully took the puppy out of my arms to put it on his—wrapping it even more on my shirt na hinubad ko kanina.

"What's your name?" tanong niya bigla kaya napaayos ako ng tayo at inayos ang buhok ko.

"uh, I'm Victori-"

"Bianca po, doc." the girl earlier na nakalimutan kong kasama pa pala namin answered his question quicker than me kaya napakagat ako ng labi ko dahil sa hiya dahil hindi pala ako ang tinatanong niya.

His attention was on her pero noong marinig niya na sumagot ako ay napatingin siya sa akin habang nakataas ang kilay niya.

"Bianca, put the dog in my tent," he told the girl—carefully giving her the puppy.

Body ClockWhere stories live. Discover now