I was on my way to the mansion, pero mag isa ko lang dahil tinakasan ko sila.
I mean, not totally tinakasan because I left a note for my friends and texted Matt. Hindi ko lang sinabi sa kanila kung saan ako pupunta dahil ang sinabi ko lang ay uuwi ako before mag ala-sais ng gabi.
Umalis ako ng apartment nang sobrang aga dahil doon natulog si Charms at alam kong susunduin siya nang maaga ni Sean, kaya nagmadali na ako dahil ayaw kong maabutan nila ako, mas lalo na kung kasama niya na si Matt kaya siguradong pipigilan nila ako sa pag alis.
Alam ko na nag aalala na sila ngayon at pinaghahanap na ako, pero hindi muna ako lalabas dahil gusto ko munang mapag isa.
I need to clear my mind para makapag isip ako nang maayos dahil nitong mga nakaraan ay wala nang bumabagabag sa akin kung hindi ang takot-takot sa maraming bagay.
Sa mga plano kong hindi na matutupad, sa mga maiiwan kong tao, at kung anong mangyayari pagkatapos.
Binuksan ko ang luma at malaking gate ng mansion kaya gumawa 'yon ng lumalangitngit na ingay. Hindi naman na ako nahirapan pa dahil napabayaan iyong nakaawang noong huling beses akong nag punta rito—noong binalak kong wakasan ang buhay ko nang mas maaga.
Dumiretso ako sa kwarto ko at ang unang kong nadatnan ay iyong mga natuyong dugo sa sahig.
Alam kong hindi biro ang nawalang dugo sa akin, pero hindi ko inakalang ganito karami dahil nag mukhang crime scene na 'tong kwarto ko.
Nakikita ko pa 'yong bakat ng kamay kong puno ng dugo sa pader dahil sinubukan kong alalayan ang sarili ko noon.
Huminga ako nang malalim at napagpasyahang na linisan na muna iyon dahil tumataas ang balahibo ko sa tuwing nakikita, at sa raming tumatakbo sa isipan ko ay baka makagawa ulit ako ng hindi maganda dahil doon.
Binuksan ko ang dati kong closet at basta nalang kumuha roon ng tela, at tsaka pumunta ng banyo para basahin.
Mabuti nalang at hindi pa pinuputol ang linya ng tubig at kuryente rito kahit na wala nang tumitira.
Lumuhod ako sa duguhang sahig at nag umpisa nang linisan 'yon. Alam kong hihingalin at mapapagod ako kaya maya-maya ang paghinto ko para huliin ang sariling pag hinga.
Nagpupunas ako ng sariling pawis nang matapos habang malalim ang pag hinga at napangiwi nang makita ang sarili sa vanity mirror dahil sobrang dungis ko na. May mga bahid na ng dugo ang buo kong katawan kaya binuksan ko ulit 'yong closet ko para kumuha ng malinis na damit.
Napanguso ako nang sipatin isa-isa ang mga damit ko roon dahil sobrang liit na 'yon para sa akin at 'yong iba naman ay nababalutan na ng alikabok, kaya napapabahing ako at umatras para makahinga nang maayos.
Tumingin ulit ako sa vanity mirror para pagmasdan ang sarili roon, hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa kabundok na paper bags sa ibabaw ng kama ko.
Muntik ko nang makalimutan!
Dinala ko pala 'yong mga pinamili ng mga kaibigan ko sa akin kahapon, pero hindi lahat dahil hindi kasya sa sinakyan kong taxi dahil sa sobrang dami.
Napangiti ako at hinakbang ang mga paa papunta roon para mag hanap ng pamalit sa suot ko, pero hindi talaga ako nag hanap dahil dumampot lang ako ng isa at mabilis na isinuot sa sarili pagkatapos hubarin ang nauna.
Mahabang puting dress 'yon na umabot hanggang sa talampakan ko, at nang muling dumapo ang mga mata ko sa salamin ay wala sa sarili akong natawa dahil ganito pala ang magiging itsura ko kapag naging multo na ako.
Magiging white lady nalang ako rito sa mansion para matakot ang mga taong pasukin.
Naupo ako sa kama habang mahina paring tumatawa hanggang sa maalala ko kung bakit ko ba dinala 'tong mga pinamili ng mga kaibigan ko sa akin, kaya tumayo ulit ako at tumakbo papunta sa drawer ng vanity mirror ko para kunin 'yong camerang ginamit ko last time.
YOU ARE READING
Body Clock
Narrativa generaleIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...