Chapter 48

3 0 0
                                    

Mas naging mabilis ang pagtakbo ng oras at ganoon din ang bilis ng pagkaramdam ko ng panghihina.

Isang buwan na ang lumipas simula nang isulat ko ang bucket list, kaya ang ibig sabihin ay dalawang buwan nalang ang natitira kong panahon para gawin at tuparin ang mga naroon, kaya kailangan ko nang mag madali dahil hindi ko nasisigurado kung dalawang buwan pa ba talaga ang natitira dahil sa bawat araw na dumaraan ang nararamdaman ko ang lubusang panghihina.

Nasa loob ako ng banyo ngayon dito sa apartment at pinagmamasdan ang sarili sa salamin gamit ang mga walang emosyong mga mata dahil kagaya ng katawan ko ay pagod na pagod na rin sila.

Grabe ang ipinayat ko dahil palihim kong isinusuka ang mga kinakain dahil hindi na 'yon tinatanggap ng katawan ko at sa tuwing pinipilit ko ay matinding sakit ang mararamdaman ko.

Marami rin akong pasa sa iba't ibang parte ng katawan at nagkukulay asul na ang ilalim ng mga mata at labi ko dahil sa kawalan ng sapat na hangin.

Wala rin akong magandang tulog dahil walang gabi na hindi ako naaalimputangan dahil sa sakit ng dibdib at kahirapan sa paghinga.

Humugot ako nang malalim na hininga para pigilan ang nagbabadya kong luha at ilang beses na umiling para pagain ang bumibigat na dibdib, pagkatapos ay dinampot ko nalang 'yong concealer ko sa ibabaw ng lababo para takpan ang mga pasa ko sa katawan at ang maitim kong eyebags.

Nag tagal ako sa pag co-conceal ng mga 'yon dahil sa dami at lalim ng kulay, kaya nang matapos ay agad kong sinunod ang pag lagay ng pulang kulay sa nangangasul kong labi at sa namumutla kong mga pisngi.

Pinalitan ko rin ang suot ko ng long sleeve para hindi makita ang malaking pagbabago ng katawan ko at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin.

I smiled bitterly. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko.

Kumurap ako ng isang beses para ilayo na ang paningin ko roon para hindi na mas masaktan pa at lumabas na ng banyo dahil naririnig ko na ang sasakyan ni Matt sa labas ng apartment.

Susunduin niya kasi ako ngayong araw para sabay kaming dumalaw sa cemetery at pagkatapos ay sa simbahan dahil linggo ngayon.

"Aalis ka na?" tanong ni Jolene nang makita niya ako at mabilis na tumayo mula sa study table niya para lumapit sa akin.

Sumunod naman 'yong dalawa, kaya silang tatlo na ngayon ang nasa harapan ko.

"Oo. Nasa baba na si Matt, e," sagot ko sa kanya at tinapalan ng ngiti ang labi dahil rinig na rinig sa boses ko ang panghihina kaya nanghina rin ang mga mata nilang nakatitig sa akin. "Alis na ako," dagdag ko para maputol ang binibigay nilang tingin sa akin.

Hindi na ako nagulat nang isa-isa silang lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi dahil araw-araw 'tong nangyayari sa tuwing umaalis ako simula noong nalaman nila ang kalagayan ko.

Maliit akong ngumiti sa kanila at medjo natatawa sa kaloob-looban ko dahil kung hindi siguro ako binawian ng oras tapos bigla-bigla nila akong hahalikan ay sabay-sabay kaming maglulumpasay sa sahig dahil sa pagka-cringe.

Hinatid nila ako hanggang sa sasakyan ni Matt na nakaparada sa harap ng apartment at hindi pumasok sa loob hanggang sa hindi kami nakakaalis, kaya habang nasa paningin pa nila ako ay hindi ko tinatanggal ang ngiti sa labi.

"Are you feeling better today?" tanong ni Matt nang makalayo na kami at hinawakan ang kamay ko para halikan.

Lagi niya yang tinatanong sa akin at sa bawat pagkakataon ay laging kasinungalingan ang isinasagot ko, kagaya ngayon.

"Feeling better." I gave him a small smile para pagtakpan ang pagsisinungaling.

Hindi na nakaramdam ng ginhawa ang katawan ko simula nang ma-diagnosed ako sa sakit na 'to. But whenever I was with him, parang nagkakaroon ng milagro dahil nabubuhayan ulit ang mahina kong puso kaya siya palagi ang gusto kong kasama.

Body ClockWhere stories live. Discover now