Chapter 27

3 0 0
                                    

Iniisip ko parin si Charms hanggang ngayon na nandito na ako sa studio ni Bryle.

Iniisip ko kung tetext ko ba siya at magsosorry sa naging attitude ko kanina?

Nakasama ba 'yon sa pagbubuntis niya at nagtatampo ba siya sa akin?

I sighed for the ninth time dahil sa guilt na nararamdaman ko because she did nothing but to help me and be kind tapos ganun nalang ang isinukli ko sa kanya.

Gustong-gusto ko namang pumunta doon sa gender reveal party niya pero ang iniisip ko ay baka makita ko si Doc doon...

Hays, kani-kanina lang ay hinahanap ko siya sa mga lugar na posibleng niyang puntahan pero ngayon na binigyan ako ng pagkakaton para makita siya ay natatakot naman ako.

Natatakot ako kasi baka...baka kapag nakita ko siya ipagsiksikan ko ulit ang sarili ko tapos ipagtabuyan niya ulit ako.

Medjo masakit iyong mga tumatakbo sa isipan ko ngayon pero hindi ako masyadong nalulungkot dahil nadidistract ako dito sa dalawang kasama ko.

Kanina pa kasi sila pasimpleng naglalandian.

Nakatayo kaming tatlo dito sa gitna ng studio ni Bryle at siya ang kumukuha ng measurements ni Lance, habang ako naman ang nag nonotes kaya malapit ako sa kanilang dalawa, at malinaw na nakikita ng dalawang mga mata ko kung paano pasimpleng haplos-haplusin nitong si Bryle yung balikat at dibdib ni Lance.

Kaya kung gaano karami ang pag buntong hininga ko ay ganun din karami ang beses na pag ikot ng mga mata ko.

Ngayon naman ay waist area na ang sinusukat ni Bryle kaya gusto ko nalang pumikit dahil kaunti nalang ay magiging SPG na 'to.

Paano ba naman kasi, OA ang pagyakap niya sa waist Lance para ipulupot doon iyong measuring tape tapos malagkit pa silang nagtititigan.

"Tapos na ba?" I asked and hardly smiled para pigilan ang pag ikot ng mga mata ko.

Hays, di naman ako usually ganito dahil kung hindi siguro bitter ang lovelife ko ay inaasar-asar ko pa silang dalawa.

Tumikhim sila at nag iwas ng tingin sa akin habang inaayos ang mga posture nila.

Tumango si Bryle at sinabi sa akin 'yong measurement ng waist ni Lance, kaya isinulat ko na 'yon sa notes ko.

"Yey, we're done," I said—slightly clapping my hands to celebrate dahil sa wakas ay makakauwi na ako at hindi na sasakit 'tong mga mata ko sa kalandian nilang dalawa.

Masaya rin silang napa-palakpak dahil siguro finally ay maiiwan na silang dalawa dito para ipagpatuloy ang paglalandian nila, kaya nagpaalam na ako na imemessage si Jolene para sabihing sunduin ako rito.

Nagpaalam din ako kung pwede bang sa veranda ko iyon gawin. Tumango naman si Bryle kaya tumalikod na ako para pumunta doon, pero pagkatalikod na pagkatalikod ko palang ay narinig ko kaagad ang mahina niyang hagikgik kaya napaikot ang mga mata ko.

I opened the glass sliding door of the veranda and sighed as the cold wind blew on my face before pulling out my phone to message Jolene.

Victoria: @Jole Elana, pasundo ako rito sa studio ni Bryle.

Agad naman siyang nagseen at nilike zone lang ako, kaya nag kibit balikat ako tapos sinunod kong itype iyong address.

Hindi agad ako bumalik sa loob kahit na nilalamig ako dito dahil baka maistorbo ko 'yong dalawa, kaya tumanaw nalang ako sa city lights para idistract ang sarili ko na isipin ang mga bagay na kanina ko pa iniiwasan.

Pero wala na, iniisip ko nanaman at binubulabog nun ang isip ko.

Malalim akong napabuntong hininga at pikit matang hinarap ang phone ko para itext na si Charms dahil kanina ko pa nakikita yung mukha niya sa loob ng utak ko at mas tumitindi ang pagkaguilty ko.

Body ClockWhere stories live. Discover now