Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa headrest ng sasakyan ko para pigilan ang sariling iliko 'yon sa daan papunta sa clinic.
Sandamakmak na demonyo ang bumubulong sa akin na iliko ang kotse sa kalsadang papunta roon, kaya napahinga ako nang maluwag noong nagawa kong dumiretso at lagpasan ang kalsadang iyon. Pero habang nag dadrive ako papunta sa school ay naririnig ko iyong malambing at mahinahon niyang boses kahapon noong sinabi niyang tumigil na ako kaya maya-maya ang pagkurot ko sa sarili para mahimasmasan.
"Bakit kasi ang bait-bait mo akong nireject!?" frustrated kong sigaw sa kawalan na parang nasa paligid siya at naririnig ako.
Iniuntog ko ulit ang ulo ko pero kulang 'yon para pakawalan lahat 'tong inis ko, kaya sumigaw ulit ako.
"PAANO NA!? Paano ako mag momove on sayo!?" I shouted from the top of my lungs.
Paano na 'to? Hindi ko alam kung paano makaget over sa kanya or kung kaya ko ba talaga in the first place dahil iniisip ko palang na mabubura siya sa akin ay nasasaktan na agad ako.
Bakit kasi ganito ang epekto niya sa akin? Hindi naman very nice 'yong sinabi niya sa akin pero minamanipula ako ng utak ko sa lambing at hinahon ng boses niya na agad nabawasan 'yong hindi kagandahan sa sinabi niya.
Plus, he was honest.
I sighed and groaned from the frustration while gripping the steering wheel tightly dahil gusto kong mag sumigaw, mag lumpasay sa sahig, at sumipa pero hindi ko magawa dahil nag dadrive ako, kaya mas naiinis ako.
Malayo pa ako sa school kaya binilisan ko ang pagmamaneho para makarating na agad bago pa man may bumulong sa akin na mag u-turn at pumunta sa kanya.
Nang sa wakas ay nakarating na ako sa eskwelahan, na dapat ko talagang puntahan ay para akong lantang gulay at parang kulay walang kulay ang mundo.
I sighed for the ninth time before I sat down beside my friends, who were staring at me simula noong umapak ako rito sa classroom namin.
"Buti dumating ka na.dahil kung hindi pa talaga ay susugod na kami doon sa cli---"
"Shhhh..." Tinakpan ko ang bunganga ni Dakota para hindi niya mabanggit ang lugar na kanina ko pa rin iniisip.
Tinanggal niya ang kamay ko sa bunganga niya at hindi naman na siya nagsalita, kaya naging payapa na ang paligid ko hanggang sa dumating na 'yong professor namin.
"Good morning, everyone," the professor greeted and smiled.
My classmates greeted her back and smiled, but I stayed emotionless dahil walang good sa morning na 'to.
"So as I told you the last time we met, I'll be assigning you to work with other fashion designing students from other schools, right?" pagpapaalala niya.
We all nodded our heads in response to her question, kaya napangiti siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"They're already actually here," aniya at lumingon sa may pintuan. "Come in, guys," she told the students outside.
Napalingon din kami sa pintuan at pinanood na pumasok 'yong mga bisita namin, hanggang sa nasa harapan na namin silang lahat with their pang malakasang outfits na parang nasa fashion event sila.
"Hoy, gagi 'yong crush ni Maisey!" malakas na bulong ni Dakota sabay hampas sa akin habang nakatitig sa isang direksyon.
Hindi ko alam kung saan 'yong tinutukoy niya so I squinted my eyes and focused them to the direction she was pointing, pero marami silang mga nandoon kaya hindi ko parin malaman kung sino.
"Sino jan?" I asked—still squinting my eyes.
"Be quiet!" malakas na bulong ni Maisey sa amin at halatang natataranta na siya dahil ihinarang niya 'yong mga palad niya sa harapan para hindi namin makita 'yong crush niya.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...