Hindi pa gising 'yong tatlo pero gising na ako dahil gusto kong maging mahaba ang araw na 'to. Para kasing biglang ang sarap-sarap mamuhay sa mundong 'to at ang dami kong purpose in life. Kaya noong magising sila ay grabe ang pagtataka nila nang makita ako sa kusina na nag luluto ng breakfast namin pero agad ding napangiti si Jolene dahil alam niya ang reason kung bakit ang sipag-sipag ko ulit ngayon at kung bakit umagang-umaga palang ay ang laki-laki na ng ngiti sa mukha ko.
"Girls, get ready na, ha," I said out of the blue after putting our breakfast on the table, tapos kinarga si Seren na kagigising lang. Mas nagtaka sila at natigil sa pag kuha ng toasted bread, pero si Jolene ay natatawang napailing.
"Dakota, diba you promised na ikaw ang mag memake up, mag aayos ng buhok ko, at mag design ng wedding gown ko?" I asked, at dahan-dahan naman siyang tumango sa akin kaya napangiti ako. "Pwes, umpisahan mo na ang pag dedesign." I told her, and turned my attention at Jolene.
She was sipping on her coffee with a hint of smile on her lips at medjo nakataas ang kilay niya sa akin.
"Ikaw naman ang magiging maid of honor ko," I told her, and then she nodded her agreement kaya kay Maisey na ako humarap.
Siya ang pinaka confused sa kanilang tatlo dahil lagi siyang late sa mga balita at medjo naguguilty ako dahil hindi ko masyado nachichika sa kanya 'yong mga ganap ko sa buhay kaya napabuntong hininga ako at tumabi sa kanya.
"Ikaw naman magbebake ng wedding cake ko," sabi ko sa kanya sabay ngiti, at kahit na nagtataka parin siya sa sinabi ko ay tumango siya at nginitian din ako.
"Tapos si Seren naman ang flower girl." Tumawa ako nang mahina dahil sa sinabi ko, pero mukhang nag agree naman siya roon dahil nag wag 'yong tail niya kaya napuno ng happiness ang puso ko dahil unti nalang ay matutupad na sa wakas 'yong dream wedding ko.
"Bakit, ikakasal ka na ba?" Dakota asked after she sipped on her coffee.
Tumingin ako sa kanya at medjo tinaasan siya ng kilay kaya natawa siya pero sinagot ko parin 'yong tanong niya.
"Oo, soon," I answered and took a bite on my toasted bread.
All throughout our breakfast ay idinaldal ko sa kanila kung gaano ako kaexcited at kung sino-sino 'yong mga iimbitahan ko na ginagatungan naman nila kaya hanggang sa pag alis namin ng apartment ay sobrang laki ng ngiti ko sa mukha.
Hindi rin ako late na umalis ngayon dahil sabay-sabay kaming natapos na kumain, naligo, at nag ayos pero hindi ako sumabay sa kanila dahil dadaan muna ako roon sa bakery kung saan ko nabili 'yong cake na binigay ko kay Matt nung birthday niya dahil parang nag crave ako bigla roon sa nabili kong croissant sa kanila last time.
Nung makarating nga ako rito sa bakery at binuksan 'yong pinto para makapasok ay mas nag crave ako dahil agad kong naamoy kung gaano kabango 'yong mga binebake nilang tinapay at 'yong mga tinitimpla nilang kape.
Maaga pa rin kasi kaya hindi pa masyado harsh 'yong tirik ng araw kaya sobrang nag match 'yon dito sa atmosphere ng bakery at kagaya nung una kong punta dito ay hindi pa masyado maraming tao dahil maaga pa kaya agad akong nakapag order.
"236 pesos po, ma'am." Sinabi nung cashier sa akin 'yong total bill ko, kaya binuksan ko na 'yong wallet ko para kumuha ng pera roon dahil hindi naman umabot ng libo 'yong inorder ko kaya cash nalang ang ipangbabayad ko.
"Wait lang, miss, ha," I told the cashier dahil hindi ako makahanap ng cash dito sa pitaka ko.
"Take your time po," sagot naman niya, kaya nginitian ko siya at nagpatuloy sa paghahanap ng cash sa wallet ko hanggang sa may magsalita sa likod.
"Can I go first?" tanong ng kung sino man na nasa sa likod ko pero hindi ko siya pinansin dahil ako ang nauna rito, at baka madami siyang bibilhin at malate pa ulit ako sa school. "It's for Doc Matthew."
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...