Sobrang bilis kong nagdrive dahil baka hindi ko na maabutan si Doc kaya nang makarating ako sa clinic ay hindi ko na napark nang maayos 'yong sasakyan ko dahil agad na akong lumabas at tumakbo papasok ng clinic.
Madilim na rin kasi at medjo malakas 'yong hangin, pero hindi ko alam kung nang oras at kung nasa loob pa siya ng clinic dahil wala na akong makitang naka switch na ilaw sa loob kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
Habang tumatakbo ako ay sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagod, kaba, at excitement na makita siya kaya hirap na hirap akong itulak 'yong pinto to the point na nakasandal na 'yong buong katawan ko roon para icontribute lahat ng timbang ko hanggang sa mabuksan nalang iyon nang kusa kaya napasigaw ako dahil babagsak ang katawan ko.
Mahigpit nalang akong napapikit para ihanda ang sarili sa sakit na mararamdaman pero hindi iyon dumating dahil may isang braso na sumalo sa akin and
with that sudden single touch, parang lumakas lahat ang senses ko to the point na nararamdaman ko lahat ng mga nangyayari sa paligid kahit na nakapikit ako— maski na 'yong paglipad ng buhok ko at dahan-dahan nitong pagbagsak, pag angat ng isa kong paa mula sa sahig, paghangin ng suot kong dress habang bumabagsak ako sa braso ni Doc, at 'yong pag tunog nung bell sa itaas nung pintuan na nag eecho sa buong paligid. Pero lahat ng mga iyon ay nangyari in a slow motion hanggang sa magbukas ako ng isang mata at nakita siyang nakatitig sa akin mula sa itaas habang 'yong isa niyang braso ay nakayakap sa bewang ko.
"Did you get hurt?" tanong niya na puno ng pag aalala sa boses.
Dahan-dahan niya akong pinatayo nang maayos pero hindi niya parin ako binibitawan dahil hawak-hawak niya parin ako braso ko.
Umiling ako sa tanong niya dahil hindi ako makapag salita kasi parang may nakabaradong hangin sa lalamunan ko habang nakatitig sa nag aalala niyang mukha.
Nung nakita niya ang pag iling ko ay binitawan niya na ang braso ko kaya pakiramdam ko ay biglang may kulang sa akin.
Diyos ko, hindi nga ako nahulog sa sahig pero mas nahuhulog naman ako sa kanya! Sana lang talaga ay saluhin niya ulit ako dahil kung hindi ay doon na talaga ako masasaktan.
"Why are you rushing?" he asked again, and then tumingin siya sa noo ko kaya naconscious ako at mabilis na tinakpan iyon.
Malakas ang pagkakatakip ko kaya parang sinampal ko ang sarili ko at medjo napasakit 'yon kaya napangiwi ako habang tumitingin sa ibaba para itago ang mukha.
Nahalata niya ba na malapad ang noo ko? N-Naturn off ba siya roon?
Hinangin at gumalaw kasi 'yong bangs ko kanina dahil nag mamadali ako!
"Pawis ka," he pointed out, tapos nagpamulsa sa roon sa suot niyang white coat, habang ako naman ay dahan-dahang napaangat ng tingin dahil hindi naman pala noo ko 'yong tinitignan niya kanina. But nevertheless, pinoint out niya na pawis ako, so ibig sabihin, haggard na akong tignan! Mas naconscious ako roon kaya awkward akong tumawa tapos pinunasan 'yong mga pawis ko.
"Sabi mo kasi before 6pm, kaya nagmadali akong pumunta rito dahil baka hindi na kita maabutan," I told him truthfully habang awkward paring tumatawa.
Tumingin siya sa wrist watch niya after niyang marinig 'yong sinabi ko at napa tango nang isang beses bago ibalik ang tingin sa akin.
"Umabot naman ako, diba?" tanong ko at nginitian siya nang matamis.
Rare itong sweet smile ko dahil hindi naman ako madalas ngumingiti nang ganito. Pang VIP lang talaga 'to kaya hindi ko nalang talaga alam kung hindi pa siya mainlove sa akin.
Sabi nga ni Dakota noong nakita niya 'yon ay ngumiti raw ako nang ganun araw-araw dahil ang ganda raw tignan tapos best feature ko raw. Kaya kung kailangan kong ngumiti nang ganito bawat segundo sa tuwing kaharap ko 'tong si Doc para mainlove na siya sa akin ay gagawin ko kahit pa mangawit ang mga pisngi at bunganga ko.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...