Chapter 9

13 1 0
                                    

I quickly rose up from my bed when I realized na umaga na pala at nakatulog ako kagabi kaya hindi ako nakaisip ng ireregalo kay Doc!

Inayos ko 'yong buhok ko at hinanap 'yong inside sleepers ko sa ilalim ng bed bago tumakbo papasok ng cr para maligo na because I was running out of time!

Nabunggo ko pa si Jolene na nag tutuyo ng buhok. Sisigawan niya pa sana ako pero isinarado ko na 'yong pinto ng banyo para hindi niya matuloy.

Mabilis lang akong naligo pero sinigurado kong mabango at fresh ako. I also blew dry my hair and put some minimal makeup on my face before getting my bag, at nagmadaling lumabas ng apartment.

"Girls, mauuna na ako! See you nalang sa school!" I yelled at pumasok sa loob ng kotse ko para makaalis na.

Dumungaw silang lahat sa bintana at takang-taka sa akin because usually, ako lagi ang late dahil ako ang pinaka mabagal na kumilos sa amin. Pero ngayon ay ako ang pinaka mabilis kumilos at umalis.

Maaga pa naman at one hour from now pa ang first class namin pero dahil nga birthday ni Doc, kailangan kong makaalis nang maaga, especially that I still don't know what to give him. So nag libot-libot ako around our area to get some ideas hanggang sa may madaanan akong bakery kaya huminto ako at nag park sa gilid ng kalsada.

I left my car at pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad kong naamoy 'yong masarap na amoy ng freshly baked breads and brewed coffee, kaya biglang kumulog ang tsan ko dahil hindi pa pala ako nag bre-breakfast.

Wala pa masyadong mga tao rito kasi maaga pa nga kaya agad akong nakapunta ng counter dahil wala namang nakapila at nag order muna ng kakainin ko for breakfast dahil nagutom ako sa amoy nitong bakery na 'to, pagkatapos ay nag order na rin ng ibibigay ko kay Doc.

I looked for a table to occupy at napili ko 'yong malapit doon sa glass window kaya umupo ako roon at inantay 'yong mga order ko.

"Thank you," I told the waiter when he put my orders on the table and smiled at him.

Nag order lang ako ng chocolate coffee and croissant dahil hindi rin naman ako nag heheavy breakfast, at dahil naakit lang talaga ako nung amoy kanina nung pagkapasok ko.

Pero in fairness dahil hindi naman ako na disappoint sa lasa ng mga inorder ko dahil masarap talaga, so I will surely come back here.

Mabilis lang din akong kumain dahil nagmamadali ako at gusto ko na makita si doc ngayong araw dahil gusto ko ay umagang-umaga palang ay siya na agad ang makikita ko.

Kaya sana sa susunod ay hindi na ako dadayo pa ng clinic niya para makita siya dahil magkasama na kami sa iisang bahay.

Napatakip ako sa mukha ko dahil biglang namula ang pisngi ko sa iniisip, at mas naexcite pang makita siya kaya nagpaalam na ako sa mga staff nitong bakery bago lumabas at sumakay sa kotse ko para makapunta na sa kanya.

Mabilis akong nagdrive habang pasulyap-sulyap doon sa binili ko para sa kanya at pangiti-ngiti dahil kinikilig na agad ako, pero unti-unting bumagsak ang ngiti sa mukha ko dahil may narealize ako.

Hindi niya sinabi sa akin na birthday niya ngayon...at wala ring nag sabi sa aking iba...kaya kapag bigla nalang akong sumulpot na may dalang cake ay malalaman niyang nag gather ako ng informations about sa kanya!

Napapreno ako dahil sa realization na sumiksik sa utak ko at napakagat sa labi dahil nag dadalawang isip na ako kung tutuloy pa ba or hindi na dahil siguradong matatameme ako roon sa oras na tinanong niya kung bakit alam ko ang birthday niya.

Tumingin ako sa paligid para makita kung nasaan na ba ako at napanganga dahil sakto palang dito na sa clinic ako huminto at nakikita ko na 'yong sasakyan niya sa harap kaya siguradong nandoon na siya sa loob.

Body ClockWhere stories live. Discover now