Chapter 22

5 0 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng kung ano-anong mga bagay sa loob ng utak ko. Ilang beses pa akong nabato ni Jolene dahil nagigising siya sa maya-maya kong pagbuga ng hangin kaya lumabas nalang ako ng kwarto namin.

Madaling araw palang at hindi pa tuluyang sumisikat ang araw kaya madilim at malamig ang simoy ng hangin habang mahimbing na natutulog ang lahat, pero heto ako nakatitig sa kawalan habang kandong si Seren na katulad ng lahat ay tulog.

Napabuga ulit ako ng hangin dahil sa dami ng iniisip ko kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin. Kung 'yong issue ba sa picture, 'yong kababalaghan ni Dakota, 'yong pagpapahiya ko sa sarili ko nang paulit-ulit, or 'yong si Lucy na hindi naman ako kinausap pero feeling threatened ako.

Ang sabi kasi ni Charms ay kanina lang daw ulit siya dumalaw sa clinic after disappearing so baka may chance na ipagpatuloy niya 'yong pagbisita niya at natatakot na agad ako.

Unti-unti ko ring napagtatanto na hindi lang ako ang babaeng umaaligid sa kay Matt. Nung sa ball pa nga lang ay hindi ko na mabilang kung ilang babae ang nakatitig sa kanya.

Bumuntong hininga ulit ako. Hays, bakit kasi masyado siyang pogi?

Maayos kong inilapag si Seren sa couch kung saan ako nakaupo para makalabas ako ng veranda, at nung binuksan ko 'yong pintuan papunta roon ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Humawak ako sa railings at tumanaw sa langit para pagmasdan 'yong mga butuwin habang nakikinig sa mga kuliglig sa paligid.

Maliit akong napangiti dahil nag offer sa akin ng kaunting kapayapaan 'tong ginagawa ko, pero hindi rin 'yon nag tagal dahil sumisigaw nanaman 'yong mga sinasabi ng utak ko na kanina pa ayaw tumahimik.

Hindi ko kasi alam kung paano ko narealize na mahal ko siya dahil noong una ko palang siyang nakita ay agad ko nang nasabi na mahal ko nga siya.

Dahil ba pogi siya?

Successful?

Mabango?

Mabait?

Caring?

Ang daming mga reasons at hinding-hindi ako mauubusan, kaya hindi rin ako titigil sa pagmamahal sa kanya, at medjo natatakot na nga ako roon dahil baka maobsessed na ako sa kanya—as if naman hindi pa.

Wala ngang gabi na hindi ako nakangiting natutulog dahil sa kakaisip sa kanya. Kahit nga sa tuwing nag huhugas ako ng plato or gumagawa ng mga gawaing apartment ay nakangiti parin ako.

Pero iba ngayon dahil hindi ako makangiti kakaisip kung anong gagawin ko para ako ang mapansin niya sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Nagpapapansin naman ako sa kanya dahil wala pang araw na umabsent ako sa clinic, but it wasn't enough to make his eyes only on me dahil sa tuwing nandoon ako ay hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya na parang may malaki akong kasalanang ginawa, pero sa totoo lang ay iniiwasan ko lang 'tong puso ko na sumabog.

But I've already decided...I already decided na simula sa araw na 'to ay mas gagalingan ko pa sa pagpapapansin dahil threatened na threatened na ako sa lahat ng mga bagay na pati si Seren ay gusto kong ilayo sa kanya dahil mas pinagtutuonan pa siya ng atensyon kesa sa akin.

Pero ayoko namang ilayo 'yong anak namin sa kanya dahil hindi niya 'yon magugustuhan at isa rin siya sa mga alibi ko sa pagbisita sa clinic.

Hindi na ako natulog dahil hindi ako dinalaw ng antok. Kaya ala sais palang ng umaga ay pinakain ko na si Seren habang nagluluto ako ng breakfast namin kahit na 9am na usually nagigising 'tong mga kaibigan ko sa tuwing weekend.

Body ClockWhere stories live. Discover now