6am ay gising na kaming dalawa ni Matt dahil pareho kaming takot kay Jolene, na baka kapag hindi saktong alas otso ako umuwi ay halughugin niya ang buong mundo para hanapin ako.
Nagluluto ng breakfast ngayon si Matt, habang ako ay pinapanood siya habang nangingiti. Nakatalikod siya sa akin kaya malaya ko siyang napagmamasdan.
Huminga ako nang malalim at inayos ang pagkakapatong ng ulo ko sa palad dahil kahit anong isuot niya ay talagang ang pogi-pogi niya parin. Naka pajama parin kasi siya at nakasuot ng apron kaya sa paningin ko ay mukha siyang model.
"Pinopormahan mo ba ako?" wala sa sarili kong tanong.
Lumingon siya sa akin habang nakataas ang isang kilay at may hawak na sandok.
"Oo. Have you forgotten? I told Attorney that I'll court you," seryoso niyang sagot at inilipat iyong niluluto niya sa plato.
Sumingkit ang mga mata ko sa kanya habang binabalikan iyong panahon na sinabi niya 'yon doon sa ball.
Tumikhim ako at nag kibit balikat. "Hindi na kailangan. Magpakasal na tayo." Malalim ko siyang tinitigan para malaman niyang seryoso ako at hindi nagbibiro.
Lumapit siya sa akin dala 'yong niluto niyang breakfast at umupo sa harapan ko bago pantayan ang titig na ibinibigay ko sa kanya.
"I should start calling you my fiancé then," mas seryoso niyang saad.
Dahan-dahang umangat yung mga bawat sulok ng labi ko hanggang sa maging ngiti iyon. "Sige," walang pag aalinlangan kong sagot dahil tatanggi pa ba ako sa offer niya, e ilang linggo ko rin yang ipinagdasal at hiniling.
Ngumiti rin siya at tumango sa akin bago mag abot ng plato sa akin kaya nag umpisa na kaming kumain.
We were talking comfortably to each other all throughout breakfast at hindi ko maiwasang mapaisip habang nakatitig sa mukha niyang malambot na pinagmamasdan ako at nakikinig sa malambing niyang boses na paano kung hindi ako bumalik sa clinic noong araw na hindi maganda ang pakiramdam ni Seren?
Paano kung hinayaan ko na lang ang oras na paghiwalayin kaming dalawa?
Would I be able to stare at him right now and kiss his lips whenever I want?
Would he be able to call me his fiancé?
Were we able to tell each other our feelings?
Maliit akong napangiti dahil sa ginawa kong pagbalik, pero kahit na hindi naman siguro ako bumalik noong araw na 'yon ay nandito pa rin kami ngayon na masayang nag uusap dahil balak niya rin akong puntahan sa apartment noong mga oras na iyon.
He was already on his way to see me pero naunahan ko siya, parehas pala kaming hindi nakatiis sa isa't isa.
He drove me home exactly at 7:30, kaya eksaktong 8am rin kami nakarating sa apartment, at kahit na medjo malayo pa kami ay nakikita ko na ang tatlo kong kaibigan na naghihintay sa harap ng gate.
Naka sandal doon si Maisey at Dakota, habang si Jolene naman ay nakapamewang at maya-maya ang pagtingin sa wrist watch niya na parang nag cocount down pa siya.
Kaya pagkahinto ni Matt ay hindi ko na siya hinintay na lumabas para pagbuksan ako ng pinto dahil agad na akong lumabas.
Nalaalerto ang mga kaibigan ko at agad na lumapit sa akin, kaya nasa likuran ko na sila lahat, habang ako naman ay nakaharap sa nakabukas na bintana ng sasakyan kung saan nakikita namin si Matt mula sa loob.
"Thank you. Mag ingat ka sa pagdadrive," I told him and smiled.
He smiled at me too and then he nodded his head. "You're welcome, baby."
YOU ARE READING
Body Clock
Fiction généraleIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...