Sobra yata akong napagod kakasigaw kanina nang walang tunog at sumuntok sa hangin kaya biglang nawala lahat ng energy ko.Nagising lang ako noong narinig ko 'yong pinto na bumukas at naamoy ko si doc kaya kahit na bangag na bangag pa ako ay dali-dali kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakasalampak sa lamesa niya.
Agad akong nag bukas ng mga mata at dahil nga kagigising ko lang, blurry pa ang vision ko. Pero dahil nakabukas 'yong pinto at naliliwanagan ang paligid dahil doon sa puting ilaw sa labas, nakikita ko siyang naglalakad palapit sa akin habang may hawak na kung ano sa kamay niya.
I closed my eyes to scratch them para mas makita ko siya nang maayos at nung nagmulat ulit ako ay nasa harapan ko na siya.
Nakatingin siya pababa sa akin kaya nagulat ako at napahugot ng hangin.
Sobrang OA ng naging reaction ko dahil kumapit pa ako sa lamesa, tapos inilagay 'yong isang kamay sa ibabaw ng dibdib, kaya nagtaka siya at lalapit pa sana sa akin, pero inusog ko 'yong swivel chair na inuupuan ko palayo dahil baka totoong mahimatay na ako.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang maisusuka ko na iyon palabas at medjo sumisikip na kaya huminga ako nang dahan-dahan para kalmahin ang sarili ko.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Imbes na lumapit siya sa akin ay humakbang siya palayo kaya tumango ako nang ilang beses dahil baka akala niya ay natakot ako sa kanya!
Nagulat ako, pero hindi ako natakot dahil sino ba namang tao ang matatakot kung ganyan kagwapong mukha ang makikita right after magising? Wala.
At kahit pa siguro araw-araw kong makita 'yang mukha niya sa tuwing gigising ako ay hindi ako magsasawa.
Nako, isama ko na nga 'yan sa wish list at sa mga prayers ko sa tuwing dadalaw ako sa simbahan at sa parents ko.
"Your friend called but you were still sleeping kaya ako na ang sumagot. I'm sorry," he informed, and then may ipinatong siyang gamot sa table.
Hindi agad ako nag salita dahil tumingin muna ako sa phone ko, at napakagat sa labi nang mapagtanto kong nakalimutan kong mag update sa mga kaibigan ko kaya talagang patay ako nito!
"Who?" tanong ko—medjo kinakabahan na.
Tumingin ako sa itaas para ibalik ang atensyon kay Doc—praying na hindi si Jolene ang tumawag sa akin dahil siguradong dudurugin ako nun pagkauwi ko ng apartment.
Hindi rin agad nakasagot si Doc sa tanong ko dahil tumingin muna siya sa phone ko kagaya ng kung anong ginawa ko kanina kaya hinintay kong bumuka ang bibig niya para sabihin sa akin kung sino sa mga kaibigan ko ang tumawag.
"landlady?" sagot niya na parang nag tanong at hindi sure, habang ako naman ay biglang napatayo at dinampot ang phone ko sa lamesa dahil si Jolene nga iyon!
aI checked the time at mahinang napamura nang makitang mag aalas-otso na ng gabi kaya siguradong tinitiris na ako ng babaeng 'yon sa loob ng utak niya.
"Anong oras siya tumawag? W-What did she say?" sunod-sunod kong tanong at nautal pa dahil seryosong kinakabahan talaga ako.
Landlady ang pangalan ni Jolene sa contacts ko dahil may curfew kaming lahat sa kanya. Dapat ay bago mag 11pm ay nakauwi na kami sa apartment, at kung malelate naman ng uwi ay kailangang mag update before 8 o'clock.
Noong isang beses nga na hindi ako nakapag update at umuwi ng ala-una nang gabi ay sinumbong niya ako kay Attorney kaya grounded ako for two weeks. Wala naman din akong magawa dahil medjo nagalit din si Attorney nun at ayaw ko siyang mahighblood kaya nag behave nalang ako.
Kaya ngayon...ngayon ay baka magrounded ulit ako!
"She called exactly at 7:23, and she just asked about you," kalmado sagot ni Doc, kaya napatigil ako sa paglalakad nang pabalik-balik sa pwesto ko.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...