Natameme siya sa sinabi ko dahil nakatitig lang siya sa akin nang mga ilang segundo hanggang sa tumitingin siya sa likod niya at sa paligid na parang chinecheck niya kung siya ba 'yong tinutukoy ko.
Gusto kong mag ikot ng mga mata dahil sa ginawa niya dahil kami lang naman ang andito, so malamang siya nga ang tinutukoy ko.
"Why? Does Seren need me?" he asked, at tuluyan na ngang umikot ang mga mata ko dahil wala naman dito si Seren!
Umayos ako ng tayo at isang beses na tumikhim para pagtakpan ko pag irap ko sa kanya kanina.
"No, me. I need you," I explained and I wanted to clap my hands dahil ang tapang-tapang ko 'yong sinabi.
Wow, lumalakas na ang loob ko. Hindi man lang ako nautal or nag iwas ng tingin sa kanya.
Ganito yata talaga kapag threatened at desperada.
Mas kumunot ang noo niya. "Need me for? Are yo--" Hindi niya natuloy 'yong gusto niyang sabihin at napakurap nalang nang ilang beses habang nakatitig sa akin dahil bigla kong ipinadyak 'yong paa ko sa sahig.
Nafrufrustate na kasi ako!
Kailangan ko pa bang iexplain sa kanya lahat 'to? Grabe kasi, mas manhid pa siya sa taong under anesthesia.
"Explain ko sayo next time," I told him and took a deep breath.
Wala kasi akong time na mag explain sa kanya ngayon dahil baka abutin kami ng isang linggo rito kapag inisa-isa ko lahat 'yong mga gusto kong sabihin from how I fell in love with him, how I planned our wedding inside my head, and so many more.
"Where are you going?" he asked after I walked past him, and then he followed me.
Naglakad ako papunta roon sa pantry area at inilapag 'yong binili kong lunch sa table before ko siya harapin.
His brows were still furrowed and it was so obvious that he was confused kaya tumikhim ako.
"You will eat lunch with me," I said—not asking him, dahil inuutusan ko siya.
Grabe na talaga 'tong lakas ng loob ko today. Hindi na 'to confidence e, kapal ng mukha na 'to. Pero kailangan ko itong panindigan kung gusto kong magkaroon ng progress dito sa lahat ng mga ginagawa ko.
He opened his mouth to ask another question or to protest pero inilagay ko 'yong daliri ko sa ibabaw ng labi ko para pigilan siya.
"Shhhhh..." I sat on a chair and motioned my hands to tell him that he should sit on the other one too.
Tahimik niya naman sinunod 'yong gusto kong mangyari pero nagtataka parin siya at mukha siyang naliligaw—poging naliligaw.
Are you lost, baby boy?
Muntik na akong natawa dahil sa ibinulong ng utak ko kaya tumikhim ulit ako dahil baka iniisip niya nang baliw ako. Inilabas ko na rin 'yong lunch na binili ko from the plastic habang siya naman ay pinapanood lang ako, at siguro ay iniisip niyang baka sinapian ako ng masamang elemento.
"What do you want?" I asked him—saying the exact same words he asked me nung sabay-sabay kaming kumain nila Charms at ni Sean.
At 'yong naging reaction ni Matt ngayon ay ganun mismo sa naging reaction ko noong time na 'yon dahil maliit na umawang 'yong bunganga niya na parang may gusto siyang sabihin pero nastuck 'yon sa lalamunan niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at hinantay na sumagot sa akin hanggang sa peke siyang umubo.
"T-This one and that one." He finally answered—avoiding my eyes.
Gusto kong tumawa dahil hindi niya mabanggit 'yong dish na gusto niya. Itinuro niya lang 'yon, at nautal pa habang todo ang pag iwas ng tingin sa akin.
I bit the inside of my cheek as I put the foods he wanted in his plate dahil may epekto rin pala ako sa kanya!
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...