Today was the day.
I will die today. I knew it because I could feel my body slowly shutting down.
Kanina pa ako gising, pero hindi pa ako bumabangon sa kama dahil ayokong makita ang pagsikat ng araw dahil ayokong salubungin ang huling araw ko.
I didn't like to see the sun rise knowing that it will be the last time I would see it, kaya nagmatigas akong hindi bumangon kahit na kanina pa ako pinipilit ni Matt.
Nasa La Union kami, rito mismo sa vacation house niya sa harap ng dagat dahil pagkababa namin ng Baguio ay dito kami dumiretso.
Nasa labas siya kasama si Seren at alam kong alam niya ang nangyayari at ang sunod na mangyayari.
This will be the last place that we'll visit together. Ibig sabihin, iisa nalang din ang natitirang perfume sa bawat lugar na pinuntahan namin.
Lavender—that was the last perfume for this last trip of us, but I didn't wear it dahil ayokong sa tuwing nakaka amoy siya nun ay pagkamatay ko ang naaalala niya.
Nagising ako nang hindi makahinga at hindi makagalaw na parang nakakulong ako sa sariling katawan. At nang sa wakas ay nakagalaw, pagdugo ng sariling ilong naman ang sumunod.
My nose was bleeding and I coughed blood, pero itinago ko 'yon kay Matt dahil ayoko nang pag aalalahin pa siya.
I did my best to get up from the bed all by myself without making any sound para hindi siya pumasok dito sa kwarto dahil kailangan ko munang tapusin itong mga ginagawa ko.
I secretly took pictures of myself on my phone sa Batangas, Tagaytay, Ilocos Norte, at sa Baguio kaya ang kulang nalang ay dito sa La Union, so I prepared myself to take some.
Binuksan ko ang camera ng phone ko at itinapat sa sarili habang nakangiti pagkatapos ay ilang beses na pinindot 'yong shutter button kahit na aminado akong hindi ako magandang tignan ngayon.
I was so pale. Literal na walang kulay ang mukha ko maliban sa maitim kong eyebags.
After I was satisfied with the pictures I took, I printed it all on my fujifilm instax printer that I also secretly bought from the mall last time.
Lahat ng mga pictures na 'to ay puro mukha ko lang or 'yong mga places na pinuntahan namin dahil iyon ang mga gusto kong matandaan niya.
Lahat ng mga litrato ko ay nakangiti ako dahil kahit na pansin sa mukha ko roon ang matinding pagod, gusto ko paring ipakita na kaya ko parin ang ngumiti... na isa sa mga pinaka magandang ngiti ang sa akin.
The pictures took a lot of time to print out, kaya habang hindi pa tapos ay sinulatan ko ng label 'yong mga pabango.
Nilagay ko kung saan ko sinuot ang mga iyon.
Wildflower—Batangas.
Mixed Berries—Tagaytay.
Sandalwood—Ilocos Norte.
Vanilla—Baguio City.
Four perfumes for four beautiful places with bittersweet memories, while I left the fifth perfume with no label because it couldn't be bittersweet.
It was just bitter...and full of pain.
After all of the pictures printed out, inilagay ko iyong lahat sa box, kung nasaan din 'yong mga pabango at maingat na isinarado.
Huminga ako nang malalim bago harapin ang pintuan kung saan sa labas ay naroroon si Matt at Seren...ang mga mahal kong iiwanan ko na ilang oras mula ngayon.
Nanginginig ang buo kong katawan pero pinilit ko paring humakbang na kaunti nalang ay gagapang na ako para lang makarating sa kanila.
Agad akong humawak sa gilid ng pinto para kumuha ng suporta at mahinang ibinukas 'yon.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...