I woke up with determination and decisions to make kaya agad kong sinabi kay Matt na gusto ko nang bumalik sa apartment.
Today was the day to get ready, and even though alam kong sasaktan ko ang lahat, I still need to do it.
This needed to be done dahil hindi lang ang sarili ko ang hinahanda ko, pati na rin ang mga mahal ko.
Kumunot ang noo ko at napapilig ang ulo dahil nang makarating kami sa apartment ay bumungad sa amin ang nakaawang na gate at mga nakapark na sasakyan sa paligid. Pero nang katitigan ko nang maayos ang mga 'yon ay napagtanto ko kung sino-sino ang mga taong nasa loob dahil iyong isang sasakyan ay kay Attorney, at iyong isa naman ay nakikilala kong kay Sean, kaya sigurado akong nasa loob din si Charms.
And I was right because when they heard the car approaching, lahat sila ay nagsisiksikang dumungaw sa veranda para makita kami.
"Vicky!" malakas na sigaw ni Charms sa pangalan ko kaya kahit na nasa loob palang ako ng sasakyan ay rinig na rinig ko siya. Kaya nang buksan ni Matt ang pintuan sa side ko ay agad na akong bumaba para salubungin sila.
They went out of the apartment to greet me at si Charms ang unang yumakap sa akin.
Mga ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya namiss ko siya at mahigpit na niyakap pabalik, at noong humiwalay ako ay nakita ko kung gaano na kalaki ang baby bump niya, kaya napangiti ako kahit na medjo nakaramdam ako ng inggit dahil hindi kagaya ko, pinagbigyan siyang makabuo ng sarili niyang pamilya.
Mabuti nalang at niyakap din ako ng tatlo kong kaibigan kaya naibaling ko ang atensyon sa kanila at hindi na napalalim ang inggit na nararamdaman.
Lumibot ang paningin ko sa paligid habang nakayakap sa akin ang mga kaibigan ko kaya habang pinagmamasdan ko sila ay bumibigat ang dibdib ko, but at the same time, I feel so grateful dahil lahat ng mga taong kasama ko ngayon ay alam na ang kalagayan ko, kaya Nandito sila para iparamdam sa akin na hindi ako nag iisa—na kasama ko sila sa pag harap nito hanggang sa dulo.
Hindi ko alam kung paano nakarating kay Sean at Charms pero nagpapasalamat ako na nandito sila because every of their presence matters a lot to me.
Nang bumitaw sila sa akin ay dumiretso naman ako kay Attorney para yakapin siyang sunod dahil wala kaming naging maayos na usapan kahapon, and I knew that he was shattering from inside seeing the family he loved and protected dying one by one.
He witnessed all of it. Mula sa kung paano unti-unting bawian ng buhay si Mama, sa pagtanggal ng life support ni Papa, at ngayon naman ay ang paghihirap kong na huli ay hahantong sa kung anong nangyari sa mga magulang ko.
He was there when I was born and he will also be there when I die.
We went inside the apartment after exchanging hugs with each other, where I didn't waste any time to start what I planned.
Wala talaga akong eksaktong plano, pero ang gusto kong mangyari ngayon ay ang ubusin ang araw na 'to kasama sila.
I want this day to be fun, pero hindi ko alam kung paano dahil kitang-kita ko sa mukha ng bawat isa na pare-parehas naming nilalabanan ang pag-iyak.
The corner of their eyes were red and blurred with hot tears as they stared at me, but instead of getting carried away by it, ngumiti nalang ako nang matamis sa kanila, like I didn't notice it. Pagkatapos ay inilibot ko ang tingin sa paligid para ibaling ang atensyon sa ibang bagay, hanggang sa makita ko 'yong mga collections ng board games ni Maisey na maayos na nakaarrange sa kahoy na estante.
"Can we borrow those?" tanong ko kay Maisey sabay tingin sa kanya at itinuro 'yong collection niya.
Mabilis niyang pinunasan ang nalaglag na isang butil ng luha mula mata niya ,pero hindi ako nagpadala doon even though my heart felt a sharp pain upon seeing it. Instead, I remained smiling like a fool.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...