I was in awe as I stared at his house in front of us. It wasn't a mansion like our family house but it screams elegance and sophistication—just like him.
Oh, god. I wanna live here.
Hindi pa kami nakakalabas ng kotse niya dahil papasok palang kami ng gate and it was raining heavily outside pero kitang-kita ko parin kung gaano kaganda ang bahay niya.
It was just a two-storey house, but the front and back yard was big dahil siguro para makapag laro nang maayos 'yong mga foster pets niya.
He turned off the engine after he parked his car inside at hindi na kami nahirapang makalabas dahil may bubong na 'tong kinalalagyan namin.
"Thank you," I said because he opened the door for me again.
Sabay kaming nag lakad papasok ng bahay niya at ang unang sumalubong sa amin ay angg mga alaga niya, kaya napaatras ako at humawak sa braso niya dahil tinatalon nila ako.
"Behave, kids," he told them and in an instant, they obeyed.
Tumigil sila sa pagtalon sa akin at lumayo nang kaunti sa amin kahit na obvious sa mga buntot nila na sobra silang excited and wanted to be petted.
Maingat akong naglakad papasok pero hindi parin binibitawan ang braso niya, habang nakahawak naman siya sa bewang ko.
"Don't be scared, they're well disciplined," he sad and chuckled a little dahil mas humigpit ang hawak ko sa kanya nung inamoy ako noong isang aso.
Halos mag tago na ako sa likuran niya para hindi nila ako makita pero isa-isa na silang lumalapit ulit sa akin kaya mas umaatras ako.
"Come here." Matt opened his arms at hindi na ako nag dalawang isip na yumakap sa kanya dahil natatakot na ako sa mga aso niya.
He carried me so I wrapped my legs around him and it was so tempting pero pinigilan ko ang sarili ko at pinalayas ang mga masasamang espiritu na bumubulong sa utak ko.
Binuhat niya ako hanggang sa hagdan papunta sa second floor at doon niya na ako ibinaba dahil may maliit na gate dito para hindi makakapasok ang mga aso.
Umakyat kami papunta sa taas at nandito naman iyong mga ibang mga pusa na parang walang pakealam sa mundo kaya pinicturan ko sila at sinend sa gc naming magkakaibigan para mag update.
Nasabi ko naman na sa kanila kanina na pupunta ako ng clinic at asahan nila na baka malate ako ng uwi kaya hindi ako masyado kinakabahan sa sermon ni Jolene.
"Can I sleep here?" walang hiya kong tanong kay Matt kaya natigilan siya at napakagat labi ako. "Joke lang, papagalitan ako ni Jolene." Agad kong binawi ang sinabi ko and tried to laugh it off.
I continued to walk kaya ngayon ay mas nauuna na ako habang pinapalibot ang tingin sa paligid para idistract ang sarili.
"You can. I'll ask her and Attorney as well." He caught up at inilahad ang palad niya sa akin para kunin ang phone ko, pero hindi ako gumalaw para ibigay 'yon dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya, hanggang sa inginuso niya 'yong shoulder bag ko kung nasaan 'yon kaya huminga ako nang malalim at binuksan 'yon para kunin 'yong phone ko at ibigay sa kanya.
"Wag na kay Attorney, kay Jolene lang," I told him nervously.
Tumaas ang kilay niya sa akin pero wala siyang sinabi at tumango nalang bago idial 'yong phone number ni Jolene, at talagang alam niya kung saan 'yon sa mga contacts ko dahil iyong landlady ang pinindot niya.
Kagat-kagat ko ang labi ko and fidgeting my fingers while my foot was lightly stomping on the ground. Para akong teenager na ipapaalam ng kaibigan niya for a sleepover sa nanay kong strikto.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...