Chapter 20

8 1 0
                                    

Gusto kong iyuko ang ulo ko at mag tago dahil kahit na alam kong sobrang ganda ko ngayong gabi, ay hiyang-hiya parin ako dahil black and white pala ang theme ng ball na 'to kaya para kaming mga christmas lights dito dahil kami lang ang naiiba ang suot.

Pero kahit na ganun ay ipinakita parin namin na confident kami kahit na sa loob-loob ay gusto na naming matunaw at maglaho na parang yelo rito.

I lifted my chin up and smiled confidently to the people around while waving a little to the cameras dahil naka live kami ngayon sa nationwide television.

Hindi parin kami nakakaupo dahil kung sino-sino nalang ang nakikipag beso-beso sa amin, at ngayon ay kausap ko 'tong si Candice.

She's a model and also a friend of Dakota. Naging model ko rin siya before doon sa isang fashion show sa Thailand na kaming mag ka-kaklase together with some professional fashion designers ang nag design nung mga damit dahil internship namin 'yon.

"Girl, girl," bulong ni Dakota at hinawakan ang braso ko.

Ngumiti ako nang isang beses kay Candice bago ako nag excuse na kausapin muna 'tong kaibigan ko dahil hindi pa siya natitigil sa kakabulong sa akin at naririnig ko siyang humahagikgik.

"Ano?" bulong ko pabalik sa kanya, medjo iritado.

Hindi agad siya sumagot sa akin dahil may tinitignan siya mula sa malayo at abot tenga 'yong ngiti niya na halos mapunit na 'yong bunganga niya, kaya sinundan ko ng tingin 'yong tinitignan niya.

"'Yong crush ko!" mahina niyang sigaw sa akin at mas hinila pa 'yong braso ko kaya dikit na dikit kami ngayon.

Pinasingkit ko 'yong mga mata ko para maaninag ko 'yong crush niyang 32 years old. Andito nga siya at may kinakausap na mga nakasuit and tie na kalalakihan.

And to tell you all the truth, pogi nga naman talaga 'yang crush niya. Ang pagkakaalam ko ay Enrique Fortman ang pangalan niya dahil nakikita ko siya sa mga interviews at magazines dahil CEO siya ng ilang mga multi-million companies sa buong bansa, kaya hindi ko rin masisisi 'tong si Dakota kung bakit patay na patay siya jan.

"Ngayon ka bumawi sa akin!" malakas ulit niyang bulong at hinila ako papunta roon sa direksyon nung crush niya.

Umiling ako nang ilang beses at sinusubukan na makawala sa hawak niya, pero dahil nga pinagtitinginan kami rito ay tumigil ako at nginitian nalang 'yong mga taong naka tingin sa amin dahil baka isipin nilang naghahasik kami ng lagim dito.

Binitawan ako ni Dakota nung medjo malapit na kami kay Mr. Fortman at inayos niya 'yong buhok niya bago siya pekeng umubo at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Kaya lumapit naman ako para marinig kung ano ang binabalak niya hanggang sa ibulong niya nga 'yon sa akin.

"Itulak mo ako, itulak mo ako," she whispered—saying the same exact words I said nung nakita namin si Matt doon sa pet store sa mall.

Umatras ako nang isang beses at gulat na may halong takot akong tumitig sa kanya. "Ha!? gaga ka, baka pamilyadong tao na 'yan!" malakas kong bulong sa kanya.

Ilang taon na niyang crush 'yang si Mr. Fortman, pero hindi ba siya aware na baka i-kick out kami rito sa plano niya? Or worse baka hindi na kami makauwing buhay.

"Hindi!" Ilang beses siyang umiling sa akin. "Dalian mo na!" she loudly whispered again at mahina akong itinulak.

Ilang segundo pa akong tumitig sa kanya para imake sure kung seryoso ba talaga siya, at mukhang seryoso nga siya kaya napalunok ako at mahigpit na isinarado ang mga mata bago ako tumalikod sa kanya.

Huminga muna ako nang malalim bago mag kunyareng umaatras at hindi alam na nasa likuran ko siya kagaya nung ginawa niya noong ako naman ang nagpatulak palapit sa crush ko.

Body ClockWhere stories live. Discover now