She needs him...and I do too dahil kagaya ni Seren ay nanghihina na rin ako.
Grabe, four days lang ang kinaya ko. Hindi man lang ako umabot ng isang linggo kakatiis na hindi siya makita. Pero kung pinatagal ko pa 'to ay baka ako na ang susunod na sumuka at hindi kumain.
I bit my lower lip hardly as I drive to go to the clinic—thinking what would I say to him dahil baka isipin niya ulit na alibi ko lang lahat 'to.
Aminado naman ako na iyong mga iba kong sinabing rason sa kanya before ay karamihan mga alibi ko lang para makapunta sa clinic, pero kung si Seren na ang usapan ay totoo lahat.
Totoo iyong akala ko masakit ang paa niya, tapos nagayon naman ay sumuka siya at ayaw kumain.
I sighed, sasabihin ko nalang sa kanya.
I will just tell him my reason why I was here again and will explain that this wasn't about my personal reason....napanguso ako.
Well, partly, pero hindi naman lahat dahil ang main reason bakit ako bumalik was because I want Seren to be checked.
Mahigpit akong humawak sa steering wheel right after I parked my car outside the clinic and tried to take a peek inside pero wala akong makita.
Nandito na ako...makikita ko na ulit siya and I was so freaking nervous, pero wala akong ibang choice kundi ang pumasok sa loob.
I took a deep breath para patatagin ang sarili ko at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse para hindi na mag bago ang isip kong mag back out once nasa labas na ako. Sunod ko namang binuksan ang back seat kung saan tahimik na nakaupo si Seren at maingat siyang ibinaba.
I held her leash tightly para doon ilabas lahat iyong kaba ko at huminga ulit nang malalim bago gumawa ng hakbang palapit sa pinto ng clinic.
Nanginginig na agad ang mga kamay ko at parang hindi ko kayang itulak pabukas ang pinto, pero pinilit ko parin ang sarili at dahan-dahang itinaas ang kamay ko para hawakan iyong handle.
Pero bago ko pa man iyon matulak pabukas ay nag kusa na iyon at mas nanigas ang katawan ko nang makita ko sino ang nasa likod nun.
Hindi ako makagalaw habang nakatitig sa mukha niyang hindi ko nakita sa loob ng apat na araw at tulad ko ay gulat na gulat din siya, pero ako ang unang naka recover dahil gusto ko siyang unahan.
Gusto kong marinig niya agad ang explanation ko kung bakit ako nasa harap niya ngayon.
"H-Hindi...I-I'm not here t---" Napasinghap ako at nabulunan sa mga salitang gusto kong sabihin.
Nabitawan ko rin ang pagkakahawak ko sa leash ni Seren kaya tumakbo siya papasok ng clinic habang kami naman...h-habang kami namang dalawa ni Matt ay magkadikit ang katawan at nararamdaman ang tibok ng puso ng bawat isa.
B-Because he suddenly pulled me and tightly cornered my body within his embrace...
Sobrang higpit ng yakap niya sa akin na umaangat na ako sa lupa pero ang mga kamay ko ay nasa gilid lang at hindi yumayakap pabalik sa kanya.
D-Dahil bakit??
"I missed you..." he whispered so quietly.
Nag bounce sa bawat corner ng utak ko yung ibinulong niya, unti-unti lang 'yong nawala nung mas humigpit ang yakap niya sa akin at naubo ako, kaya mabagal niyang ikinalas ang mga braso niya sa katawan ko pero nakahawak siya sa bewang ko, habang ako naman ay sa balikat niya para hindi ako mawalan ng balanse, mas lalo na ngayong sigurado akong kapag walang nakasuporta sa akin ay mahihimatay nalang ako sa sahig.
Nakikita ko na siya nang maayos at parehas kaming nakatitig sa isa't isa—ako na nakaawang ang bibig, at siya na malamlam ang mga matang pinagmamasdan ako.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...