Chapter 36

4 1 0
                                    

I already received an email from Doctora saying that the results from my previous check up were already out, kaya on the way na ako ngayon sa hospital.

Ginamit ko iyong kotse ko papunta rito at hindi ko sinabi sa kahit na sino sa mga kaibigan ko or kay Matt na pupunta ako sa hospital dahil alam kong mag aalala sila.

I quickly rode the elevator right after I arrived dahil may usapan kaming magkakaibigan na gagala kami ngayon kaya kailangan kong magmadali.

Nginitian ko lahat ng mga taong nakakasalubong ko at mainit naman nila iyong sinusuklihan, kaya nang makarating ako sa harap ng office ni Doctora ay malaki ang ngiti ko sa mukha.

Dumiretso na ako na ako rito at kumatok nang tatlong beses sa pinto dahil sinabi ni rin kanina na pumunta na agad ako rito para maidiscuss niya na sakin iyong mga results.

Binuksan ko ang pintuan dahil narinig ko na ang pagtanggap sa akin at agad siyang tumayo nang makita ako.

Kagaya noong nakaraan ay agad niya akong sinalubong ng yakap, kaya niyakap ko siya pabalik hanggang sa humiwalay siya sa akin.

"Take a seat, hija," she said, and then assisted me to sit down across from her table.

Sinundan ko siya ng tingin nang lumayo siya sa akin para pumunta roon sa isang kabinet at may kinuhang folder na sa tingin ko ay iyong results bago siya bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair niya.

Malambot siyang ngumiti sa akin pero parang may ibang laman iyon, kaya napakagat ako sa sariling labi habang binubuklat ni doctor iyong folder para ilabas ang mga papel doon.

Sinusubukan kong salubungin ang mga mata niya pero pilit siyang nag iiwas, kaya napakunot ang noo ko hanggang sa marinig ko siyang bumuntong hininga at sa wakas ay tumingin na sa akin..

"How's your life, Victoria?" she asked out of the blue and clasped her hands together above the table.

Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa biglaan niyang pagtatanong but I still plastered a smiled and replied, "Graduating fashion designing student na po ako. Magiging fashion designer na po ako ilang buwan mula ngayon."

Masaya siyang tumango sa akin at hinayaan lang akong mag salita kaya nagpatuloy ako.

"I am living with my friends po, pero bubukod na po ako sa kanila soon dahil ikakasal na po ako."

Kita ko sa mga mata ni Docotora ang gulat, pero kalaunan ay tumikhim siya at mas ibinigay sa akin ang atensyon bago magpakawala ng isa pang katanungan.

"Really? To whom?"

Tumikhim rin ako at umayos ng pagkakaupo while my eyes were twinkling by just the thought of the man I will marry.

"Bukod po sa pagiging fashion designer, magiging La Viste na rin po ako because I will marry one," I told her with blissfulness overwhelming my heart. "I will marry Alexander Matthew La Viste, he's a veterinarian and also a sponsor to many charities," proud kong pagpapakilala kay Matt dahil kahit na ilang daang taon pa man ang lumipas o ilang mga tao pa man ang pagsasabihan ko tungkol sa kanya ay hinding-hindi mawawala sa tono ko ang pagiging proud sa kanya.

"He sounds like a good man," Doctora uttered like a whisper.

"He is po," sagot ko sa kanya kasama ang ngiting hindi mawala-wala sa labi ko.

"Your mother was like a sister to me, kaya parang pamangkin na rin kita,"she suddenly said out of the blue.

Bumalik ang pagkakakunot ng noo ko pero kalaunan ay tumango ako sa kanya at mas ngumiti dahil naaappreciate ko iyong sinabi niya and it made me realize that I was never an orphan just like Matt because I have a lot of families.

Body ClockWhere stories live. Discover now