Matt was trying to calm me down in every way he knew, but I just couldn't stop because every word he uttered was running inside my head.
Bawat mga salitang sinabi niya sa akin ay tumulong para mapagtanto ko ang mga bagay-bagay...para mapagtantong sumuko agad ako nang hindi man lang tinitignan ang bukas because I was already overthinking the day that my heart will stop beating.
I underestimated the days I have left and their capability to change the future.
A day is still a future, and he was right. I still have time—we still have a future together, so we should include each other with it.
He was shouting for help dahil ayaw niya akong iwanan, hanggang sa wakas ay dumating ang ilang mga nurses at nilagyan ako ng oxygen mask.
They were trying to lift me up but I was too heavy for them until I just felt my body being carried because Matt paved the way and lifted me like I weighed nothing.
He carefully put me above the bed and was about to go away but I held his hand dahil ayaw ko siyang lumayo sa akin kaya nanatili siya habang hawak-hawak din ang kamay ko at may ginagawang kung ano 'yong mga nurses sa akin.
Hindi niya ako binitawan hanggang umalis sila at marahas na bumukas ang pinto, kung saan nag aalalang pumasok si Doctora.
Sabay kaming napatingin sa kanya dahil dali-dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ang isa kong kamay dahil mukhang ngayon niya lang nalaman na nandito ako.
"Hija, are you okay? May masakit ba sayo?" sunod-sunod niyang tanong at pinasadahan ng tingin ang mukha ko gamit ang mga nag aalala niyang mata. "Nurses, why are you leaving her? Go back here and ta--" huminto siya sa pagsigaw sa mga nurses na nasa labas na ng kwarto nang mahina kong pisilin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Ibinalik niya ang tingin sa akin at umupo sa kama para mas pagtuonan ako ng atensyon, kaya maliit akong ngumiti sa kanya kahit na hindi ko alam kung nakikita niya ba 'yon sa loob ng oxygen mask na suot ko.
Umawang ang labi ko para magsalita pero sobrang hina ng boses ko kaya lumapit siya sa akin para marinig ang gusto kong sabihin.
"T-Tell him, e-explain it to h-him," I whispered and turned my gaze at Matt who was staring at her with tears in his eyes.
Nasabi ko na sa kanya kanina ang sitwasyon ko, pero mas gusto ko pang ipaintindi sa kanya at si Doctora lang ang makakatulong sa akin para gawin 'yon dahil siya ang eksperto rito.
Tumingin din sa kanya si Doctora na mukhang ngayon lang siya napansin kahit parehas silang nasa tabi ko at nakahawak sa mga kamay ko.
"I-It's him," I told her at kahit na hindi ko sabihing eksakto ay alam niyang siya ang sinabi kong lalaking pakakasalan ko.
They stared at each other for couple of seconds, pero si Matt ang unang nag iwas dahil mas pinili niyang tumitig sa akin.
"You are Matthew?" tanong ni Doctora sa kanya at mabagal siyang tumango. "Do you wanna go out to--"
Hindi natapos ni Doctora ang tanong niya dahil agad na sumagot si Matt at ibinalik ang tingin sa kanya.
"No," matigas niyang sambit at mas humigpit ang hawak sa kamay ko pero naging maingat parin iyon. "I-I want to stay here with her," dagdag niya.
She understandably nodded her head bago sandaling lumayo sa amin para kumuha ng upuan, habang si Matt naman ay naupo sa sahig nang hindi binibitawan ang kamay ko.
Pagbabalik ni Doctora ay nagkaroon ng maikling katahimikan hanggang sa narinig namin ang mahina niyang pagtikhim na nag uudyat sa pagsisimula niya.
"Victoria has congenital heart disease," she started and those words of truth made me lose hope for the ninth time. "I-It was already present when she was born, but we failed to detect it sooner. That's why... that's why it became severe— making her other organs to fail as well because her heart is failing to pump and distribute blood."
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...