Ang sabi ko, uuwi na ako pero hindi ko alam kung bakit ako nakatayo ngayon dito sa harap nitong vet clinic habang nakasandal sa kotse ko. Siguro ay limang minuto na akong nakatayo rito at nakababad sa araw pero hindi parin ako pumapasok dahil nagdadalawang isip ako.
Paano kung wala siya jan sa loob at si Charms lang ang maabutan ko? Edi, ang awkward nanaman.
Mas Lalo na ngayon na unti-unti na akong nakukumbinsi na mag jowa talaga sila.
Kagabi kasi habang binabasa ko 'yong mga article about sa kanya ay medjo marami-rami akong nakitang picture na magkasama silang dalawa, at 'yong mga iba pa roon ay parang noong high school or college palang sila.
Huminga ako nang malalim at inayos ang sunglasses ko dahil kailangan ko talagang malaman kung may relasyon ba silang dalawa dahil baka maging kabit pa ako o baka makasira pa ako ng relasyon. And in order to do that, syempre kailangan kong mag imbestiga, kaya huminga ulit ako nang malalim para patibayin ang loob ko at nagsimula nang humakbang para pumasok sa loob ng clinic.
Nang makarating ako sa pinto ay humawak muna ako roon at sumilip sa loob para icheck kung sino ba ang nasa loob, at nang makita ko si Charms sa reception area ay napakagat ako sa labi ko pero wala na akong iba pang choice dahil nandito na ako kaya tinulak ko na 'yong pinto at dahan-dahang naglakad papasok.
Agad siyang napatingin sa direksyon ko nang marinig niya ang pag bukas ng pinto.
Ngingiti sana siya pero binawi niya din nang mapagtanto niyang ako ang pumasok. Pero dahil mabait akong tao, ako nalang ang ngumiti sa kanya.
"Hi, good afternoon," bati ko sa kanya.
Hindi ko na alam ang susunod pang sasabihin dahil tumango lang siya sa akin at agad na bumalik sa ginagawa niya kanina kaya tumango nalang din ako at nag punta roon sa couch na pinag stay-an ko kahapon.
Naupo ako roon at tumahimik lang dahil wala rin akong ibang dapat na gawin kaya nararamdaman ko ulit ang sakit ng ulo ko. Medjo okay-okay na kasi ako kanina nung nag dadrive ako pauwi kaya napagdesisyonan kong dumaan dito pero ngayon na wala akong ginagawa o pinag bubusyhan ay nararamdaman ko nanaman ang pag pintig ng kung ano sa ulo ko. Kaya sa tuwing hindi maganda ang nararamdaman ko o sa tuwing nilalagnat ako ay pinipili kong maging productive.
Naglilinis ako sa apartment or nag ssketch para madistract ako sa hindi magandang nararamdaman.
Kailangan kong idistract ang sarili ko ngayon para hindi ako mag mukhang tanga rito na putlang-putla kaya inilabas ko ang phone ko. Pero nang makita kong lowbat na ako at baka hindi ko na maupdate 'yong mga kaibigan ko mamaya, ibinalik ko nalang ulit 'yon sa loob ng bulsa ko.
Wala talaga akong magawa kaya inilibot ko nalang ang paningin ko sa paligid para tignan 'yong mga parehong bagay na tinitigan ko rito kahapon, kaya feeling ko sa susunod ay mamememorize ko na silang lahat—kung saan sila nakalagay, anong kulay nila, at kung ano sila kahit na hindi ako pamilyar.
Naduduling na ako dahil sa pag papalit-palit ng tingin ko sa kung ano-ano kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa feeling ko ay okay na ulit tumitig pero pagkabukas na pagkabukas ko palang ng mga mata ko ay agad akong nahilo kaya pumikit ulit ako.
"Dahil siguro 'to sa kakababad sa harap ng gadgets at pag iinsert ng mga threads sa karayom," bulong ko sa sarili at kinuskos ang sariling mga mata para palinawin ang sariling paningin.
Hindi na ulit ako nagmulat at nag bilang nalang sa loob ng utak dahil kahit na nakapikit ako ay nararamdaman ko parin ang pag ikot ng mundo hanggang sa makarinig ako ng mga kalmadong yabag at marining iyong boses na kanina ko pa hinihintay na marinig kaya mabilis akong tumayo.At dahil nga sobrang sudden ng ginawa kong galaw ay nagpagewang-gewang ako habang umiikot ang paningin, at muntikan pang matumba kung hindi lang ako nakahawak sa pader.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...