Chapter 24

3 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment nang hindi nadidisgrasya, pero hindi rin lang ako nakalabas ng kotse dahil hindi ko mahawakan nang maayos hand handle ng pinto.

Walang lakas ang mga nanginginig kong kamay at namimilipit ang dibdib ko, kaya't hindi ako makakita nang maayos.

Hindi ko alam kung nasa loob ba ng apartment ang mga kaibigan ko, pero pinilit ko paring hampasin 'yong busena ng sasakyan ko kahit na walang lakas ang kamay ko para gawin 'yon.

Ilang beses ko iyong hinampas habang mahigpit na nakakapit ang isa kong kamay sa ibabaw ng dibdib ko, hanggang sa makita kong bumukas 'yong gate at lumabas silang tatlo.

Tumigil ako sa pag busena at sumandal sa headrest habang hinihintay silang makalapit sa akin, at kahit na hindi ko sila makita nang maayos ay alam kong hindi maganda iyong mga reaksyon nila sa mukha, mas lalo na si Jolene.

At tama nga ako dahil noong binuksan niya 'yong pinto sa side ko ay agad niya akong sinigawan.

"ANO BANG----"

Pero hindi niya rin 'yon natuloy dahil bumagsak ang katawan ko sa labas ng kotse, kasabay ng agarang pagdilim ng paningin ko.

Ayon ang huli kong naaalalang nangyari kanina bago ako magmulat ng mga mata dito sa hospital, pero hanggang ngayon ay sinisigawan parin ako ni Jolene habang 'yong dalawa naman ay nasa sulok lang at walang balak na pigilan siya.

"Wag ka nang babalik doon!" sigaw niya at itinuro pa 'yong pintuan, na parang pagkalabas doon ay clinic na agad.

Kinwento ko kasi sa kanila 'yong nangyari kanina dahil pinilit nila akong mag salita, kaya kahit na gustong-gusto kong manahimik ay hindi ko nagawa.

Ilang beses kasi akong binantaan ng babaeng 'to na sasabihin niya daw kay Attorney 'tong nangyari para kausapin niya daw si Matt kaya nag salita na ako dahil ayaw kong mangyari 'yon.

Hindi nila alam kanina ang totoong iniiyakan ko pero alam nilang may kinalaman siya doon dahil sa clinic ako galing, at noong nalaman nila kung anong nangyari ay gusto nilang sumugod doon. Pero ilang beses ko silang pinigilan at pinakiusapan dahil hindi niya naman kasalanan—ako naman kasi itong pinagpipilitan ang sarili sa kanya.

Kaya sa tingin ko ay mas better na rin 'tong nireject niya ako nang maaga para makapag move on na ako agad kahit na ang sakit-sakit, pero hindi ko alam kung papaano dahil mali 'yong sinabi niyang confused lang ako dahil sigurado akong mahal ko siya.

Hindi ko alam kung paano, pero sigurado ako.

"Sinasabi ko sayo, Vicky. Wag ka nang babalik doon," pag uulit ni Jolene, pero ngayon ay mas mahinahon na siya.

Huminto na rin siya sa paglalakad-lakad sa harapan ng hospital bed kung saan ako nakahiga pero naka cross parin 'yong mga braso niya sa harap ng dibdib, habang

tumayo naman si Dakota mula doon sa couch kung saan sila nakaupo ni Maisey at lumapit sa akin para sa kama ko naman siya maupo.

"Hindi ka natulog at ang aga-aga mong pumunta doon kaya ka hinimatay. Tapos todo pa 'yong iyak mo, e alam mo namang may asthma ka," she said and stared at me seriously.

"You should watch over yourself, Vicky," pagsabat ni Maisey at tumayo rin para maglakad palapit sa akin.

Nakatitig silang tatlo sa akin kaya yumuko ako pero dahan-dahan akong tumango kaya napahinga sila nang maluwag.

Alam ko naman na concern sila sa akin at gusto lang nila iyong makakabuti, kaya nakikinig ako sa mga payo nila kahit na medjo masakit sa aking gawin 'yon. Pero siguro ay makakalimutan ko din 'to kung ididstansya ko ang sarili ko sa kanya.

Body ClockWhere stories live. Discover now