Chapter 53

3 0 0
                                    

Nagcheck in kami sa panibagong hotel pero agad din kaming nag check out kinabukasan right after we watched the sunrise on the rooftop dahil bumyahe kami nang maaga.

Kasalukuyan na kaming bumabyahe ngayon for almost 3 hours already, pero medjo malayo pa kami sa pupuntahan kaya maya-maya ang pag idlip ko.

Umalis kami sa hotel kanina nang ala-sais ng umaga kaya hindi pa masyado mataas ang araw, pero ngayon ay tuluyan nang nagpakita 'yon.

Hindi naman masyado mainit dahil magpapasko na, pero kita ko mula sa labas ng tinted na bintana nitong kotse ang sinag nun and it reminded me of the summer.

The summer when I met the man I prayed for—when I met Matthew.

Just like that day, I was just letting the road lead us to places without the feeling of being lost.

Ang kaibahan lang ay nag uumpisa palang ang istorya namin nun, ngayon naman ay patapos na.

It was already five months ago but it felt like yesterday dahil sa bilis ng pag takbo ng oras.

Nakaidlip ulit ako nang ilang mga oras. Nagising lang ako noong nakaramdam ako ng malambot na pag pisil sa kamay ko.

"Wake up, baby. It's beautiful," malambing na bulong ni Matt.

Pumupungas pa ako kaya ginusot ko ang mga mata ko para makakita nang maayos bago tumanaw sa itinuro niya sa labas ng bintana.

Agad akong napaayos ng upo habang maliit na umawang ang bibig ko dahil sa magandang tanawin na nakikita.

Binabaybay namin ang isang napaka mahabang tulay na pinag dugtong-dugtong na mga arko sa gilid ng napakalaking bundok habang sa ibaba niyon ay dagat.

Hindi na rin mataas ang araw at medjo malakas ang ihip ng hangin, kaya may mga nahuhulog at nag sisiliparang dahon habang malumanay na sumasayaw ang mga sanga ng puno.

"Nasaan tayo, Matt?" I asked through a whisper.

Napahawak ako sa sariling dibdib ko dahil sa naramdamang biglaang paninikip doon.

This place hurts me...

It reminded me of the thing I was just thinking about earlier before I fell asleep.

The bridge, the mountain, and the sea below...this whole place looked so much like that summer vacation when me and my friends accidentally ran over Seren.

Ganitong-ganito 'ang itsura ng lugar kung saan ako dinala ng tadhana patungo sa lalaking pinakamamahal ko, na ngayon ay nakatitig sa akin gamit ang mapungay at kulay abo niyang mga mata.

"Patapat Viaduct, Ilocos Norte," sagot ni Matt sa tanong ko.

Binuksan niya ang bintana sa side ko kaya sumalubong sa akin ang malakas na hangin.

Napapikit nalang ako para damhin 'yon kasabay ng pag lipad ng buhok ko at ng suot kong scarf.

Unti-unting napawi ang sakit at lungkot na nararamdaman ko sa dibdib, hanggang sa tuluyan na iyong mawala kaya nakakahinga na ako nang maganda na parang nawala lahat ang mga bigat sa dibdib ko.

"Do you wanna go out?" tanong ni Matt matapos ang ilang minuto.

Lumingon ako sa kanya at mabagal na tumango kaya maingat niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng tulay malapit sa harang kung saan tanaw namin ang dagat sa ibaba.

Lumabas siya ng sasakyan at habang hinihintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto ay kinuha ko 'yon bilang oportunidad na mag labas ng panibagong pabango.

Sandalwood—ito ang pangatlong pabango para sa pangatlong lugar na napuntahan namin.

Body ClockWhere stories live. Discover now