Chapter 34

6 1 0
                                    

Nagbihis agad ako into a beautiful white dress pagkarating ko ng apartment dahil saktong pagkabukas ko ng pinto kanina ay tumawag si Matt.

Sinabi niya sa akin na sabay na daw kaming pumunta sa mansion nila Attorney, which I agreed on kaya nagmamadali akong mag ayos ngayon dahil ang sabi niya ay susunduin niya ako.

8pm ang usapan naming laha ko at eksaktong 5:36pm palang ngayon, kaya medjo nagtataka ako pero ipinagpaliban ko nalang 'yon dahil baka excited lang siyang makita ako.

I giggled on my thoughts as I put lipgloss on my lips in front of the mirror, and then pressed them together para mablend nang maayos.

"Ang aga pa, Vicky. Excited ka masyado," pang aasar nanaman ni Dakota habang nakasandal patagilid sa pinto.

Inirapan ko siya sa salamin dahil nakikita ko siya doon at mabagal siyang hinarap.

"Mag ayos ka na nga lang din kesa sa daldal ka nang daldal jan." Nagpamewang ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay. "8pm ang usapan, ha. Ayoko ng late," dagdag ko na biglang nagpatawa sa kanya.

"Ang yabang na, oh. Parang hindi reyna ng mga late at kabagalan kumilos." She chuckled.

"Edi, wow." I rolled my eyes at her again, and then my phone vibrated, kaya tinignan ko iyon. "Aalis na ako, anjan na si Matt sa baba," I told her after I read the text message from him on my phone.

Ngumuso siya at bumuntot sa akin palabas ng apartment kaya hanggang sa makasakay ako sa sasakyan ni Matt ay nakadungaw siya mula sa gate na wala pang suot na tsinelas.

Nasundan ko pa ang pagbukas ng bunganga niya as she said something when Matt kissed my cheek, and I was so sure that she said, "Parang tanga." with a grimace on her face.

"Why are you laughing?" Matt asked and followed the direction I was looking at, pero wala na doon si Dakota dahil pumasok na siya sa loob.

"Nothing," I said and shook my head while still smiling.

Tumango siya ng isang beses sa akin at hinawakan ang kamay ko bago niya paandarin ang sasakyan paaalis.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko nalang siyang mag drive dahil alam kong dadalhin niya lang ako sa ligtas na lugar, at tama nga ako dahil dinala niya ako sa lugar kung saan pinaka ramdam ko ang kaligtasan.

My safe haven—the cemetery where I always go whenever I feel down.

Nauna siyang bumaba ng kotse para pag buksan ako ng pinto kaya nagpasalamat ako sa kanya at ngumiti.

We held each other's hand hanggang sa nasa harap na kami ng puntod ng mga magulang ko.

Parehas na hinahangin ng banayad na hangin ang mga buhok namin kasabay ng paglipad rin ng mga tuyong dahon sa paligid kaya napahugot ako ng malalim na pag hinga para damhin iyon.

"I want to introduce myself to your parents," aniya at mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Nakatingin siya pababa sa puntod ng mga magulang ko habang ako naman ay sa kanya dahil sa sinabi niya na nagpalambot ng puso ko.

"I need to tell them that I will marry their beautiful daughter." He finally looked at me, and then a soft smile appeared on his lips.

My eyes instantly swelled up because of the overwhelming happiness in my heart, habang siya naman ay mahinang napatawa at maingat na pinunasan ang mga luha kong tumutulo pababa sa pisngi, pagkatapos ay hinila ako palapit para halikan ang tuktok ng ulo ko kaya yumakap ako sa kanya.

Nakababa ang paningin ko sa puntod ng mga magulang ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya nang may maliit na ngiti sa labi.

Ma, pa... I finally found him.

Body ClockWhere stories live. Discover now