Late na akong nagising kaya halos iuntog ni Jolene ang ulo ko kanina dahil hindi niya ako magising at binabaon ko ang mukha ko sa unan.
Paano ba naman kasi, gusto ko pang matulog dahil late na akong natulog kagabi tapos ang bigat-bigat pa ng katawan ko kaya tinatamad akong bumangon at pumasok. Pero wala rin akong choice dahil baka ilock ako nung babaeng 'yon dito sa kwarto para wala na akong mapuntahang ibang lugar as my punishment for being lazy.
Pero tinatamad talaga ako at pakiramdam ko ay kulang iyong summer break namin kaya para akong zombie ngayon dito na nag totooth brush.
Tapos naman na akong maligo, kumain, at mag ayos kaya after ko rito ay pupunta na agad kami ng school pero bwesit na bwesit pari silang lahat sa akin dahil ang bagal-bagal kong kumilos.
"Dalian mo, Vicky!" sigaw ni Jolene sa akin mula sa labas dahil naka sakay na silang lahat sa kotse niya at handa nang umalis. Ako nalang talaga ang hinihintay nila.
Lumabas ako ng CR at dumungaw mula sa veranda, at nakitang inis na inis na talaga sila kaya medjo nahiya na ako. Ayaw na ayaw pa naman ni Dakota ang nalelate.
"Mauna na kayo! I'll use my car!" I yelled back, at nang marinig nila ako ay agad-agad na pinaharurot ni Jolene paalis 'yong sasakyan niya.
Napakibit balikat nalang ako dahil matagal ko na rin namang hindi nagagamit 'yong kotse ko. The whole summer kasi ay kotse ni Jolene ang ginamit namin at baka magkaroon na ng diperensya sa battery 'yong akin kung di ko pa ini-start ngayon.
After kong mag reapply ng lipstick dahil natanggal 'yon nung nag toothbrush ako ay kinuha ko na agad 'yong pitaka at susi ko, at dali-daling bumaba para makapasok na ng school.
Pinindot ko 'yong susi ng kotse ko at nung tumunog 'yon ay napangiti ako dahil namiss ko siya kaya binuksan ko agad 'yong pinto para sumakay.
I started the engine at napa hinga nang maluwag dahil nag start agad nang hindi man lang umubo or gumawa ng kahit na anong kapalpakan.
Sinuot ko na rin 'yong sunglasses ko at tinignan ang sarili sa rearview mirror para icheck kung super pretty ba ako today dahil nakakahiya kung mukha akong lantang gulay slash zombie sa school mamaya. Fashion school pa naman 'yon at lahat ng mga tao roon pati na 'yong mga janitors ay pak na pak ang outfit kaya bawal akong maging hulas.
Napanguso ako sa itsura ko kahit na sobrang ganda dahil feeling ko ay may kulang kaya tumingin ako sa backseat at nagkalkal doon ng pwede ko pang ilagay sa katawan ko dahil nagkakalat lang doon 'yong mga gamit ko, hanggang sa makakita ako ng olive green na satin scarf kaya kinuha ko 'yon, and then I knotted it around my head para gawing bandana.
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa rearview mirror after ko mailagay 'yon at napangiti dahil satisfied na ako kaya inayos ko na ulit ang upo ko at nag drive na palayo.
Medjo may kalayuan 'yong school namin sa apartment at dahil hindi ko talaga kaya ng mahabang katahimikan, nagpatugtog nalang ako.
I just connected my phone dito sa stereo at pinatugtog 'yong pinaka favorite na ginawa kong playlist dito sa Spotify—compilation of Disney songs.
Don't judge because this soothes and comforts me to the highest level. Like sa tuwing hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ay nagpatugtog lang ako ng mga Disney songs.
Nag drive lang ako at sinasabayan 'yong mga kantang pinapatugtog ko hanggang sa makarating ako sa school, and since fashion school nga 'to, kailangan pagkababa na pagkababa ko palang ng kotse ay nagfefeeling main character na agad ako or iniisip kong nasa runway ako para hindi ako makabugan ng mga tao sa paligid na parang kalalabas lang from fashion magazines or parang nasa Paris fashion week.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...