We didn't know where to go.
We were lost, but it was okay because we are with each other—me, him, and Seren.
We were like a freshly married couple going on a vacation with our dog. But that was so foolish because we are not. My weak heart didn't let us be like that—to be a happy family with more time to spend together.
Kanina pa tumatakbo ang sasakyan namin dahil hindi namin alam kung saan kami hihinto.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang hinahaplos si Seren na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng hita ko.
We didn't have a plan where to go dahil binigla ko siya nung sinabi kong gusto kong makita ang mundo. But despite that, sinamahan niya parin ako.
Bigla nalang kaming nawala kanina sa auditorium ng school, kung saan ginanap 'yong graduation ceremony, kaya hindi ko alam kung pinaghahanap na ba nila ako because I chose to turn off my phone dahil kahit na gusto kong sila makasama sa mga oras na natitira sa akin, mas pinili ko ngayong makasama si Matt.
Alam ko na ikatatampo 'yon ng mga kaibigan ko at ni attorney, pero gusto ko munang maging makasarili as if hindi ako naging makasarili una palang.
Guilt was slowly creeping me in dahil habang tumatagal ay mas napagtatanto ko how unlikable I was.
Madaldal ako, makulit, matigas ang ulo, at makasarili, pero patuloy parin ang mga tao sa paligid ko na mahalin ako.
Gusto kong ibalik 'yong ipinaparamdam nilang pagmamahal sa akin, pero alam ko na anumang araw sa buwan na 'to ay tuluyan na akong babawiin.
My body was getting worse every day. Natatakot nga ako na baka hindi na ako magising. Kaya kahit na malayo ako sa mga kaibigan ko at kay Attorney ay babawi ako. I will make sure that even though they weren't by my side when my heart stopped, the last beat of it will reach them.
"Nasaan tayo?" mahina kong tanong kay Matt nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan.
"Batangas," he simply answered as he went out to open the door for me as usual.
Kinuha niya rin mula sa akin si Seren at ikinabit sa kanya 'yong leash niya para malaya siyang makapag lakad-lakad.
Dalawang oras ang biyahe rito sa Batangas mula sa Virdilla, kaya hindi masiyado matagal ang biyahe at maghahapon pa lang.
Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ng banayad na hangin kaya napapikit ako para mas ramdamin pa 'yon.
Nang nagmulat ako ay inilibot ko ang tingin sa paligid at wala sa sariling napangiti dahil mula rito ay natatanaw namin ang Taal volcano.
Walang dumaraan na sasakyan dito sa kalsadang hinintuan namin kaya walang ingay sa paligid maliban ang huni ng mga ibon at ang mahinang pag alpas ng tubig mula sa lawa sa mga naglalakihang bato.
Humilig ako sa dibdib ni Matt nang iniyakap niya ang isa niyang braso sa bewang ko.
This was what I wanted to feel and see—Matthew's arm around me while we watched beautiful sceneries together.
Mas ihihilig ko pa sana ang katawan ko sa kanya nang may maalala ako, kaya lumayo ako sa kanya.
Nagtataka niya akong pinagmasdan, pero ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay bumalik ako sa loob ng sasakyan para kunin 'yong nakalimutan ko kanina.
Limang pabango iyon with different scents that I sneaked earlier before kami pumunta sa school ng mga kaibigan ko at ni Attorney.
Bumalik ako kay Matthew na pinapanood ang bawat mga galaw ko at muling sumandal sa dibdib niya kaya yumakap siya sa akin mula sa likuran.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...