Chapter 15

6 1 0
                                    

That was our last encounter. Ilang araw na kasi akong hindi nakakapunta ng clinic dahil nakuha ko na si Seren kaya wala na akong maidadahilan na pumunta roon kaya miss na miss ko na talaga si doc at pakiramdam ko ay nanghihina na ako.

Pero tadhana na yata talaga ang gumagawa ng paraan para magkita kaming dalawa dahil Sunday ngayon kaya nasa cemetery ako ngayon para bumisita sa parents ko at sa may hindi kalayuan ay nakikita ko siya.

Nakatalikod siya sa akin at nakapamulsa kaya hindi ko nakikita ang mukha niya pero siguradong-sigurado ako na siya 'yon dahil kahit na isang strand lang ng buhok niya ang ipakita sa akin ay malalaman ko na sa kanya 'yon.

Sa buong oras ba naman sa tuwing nakakasama ko siya ay lagi akong nakatitig sa kanya kaya talagang makakabisado ko ang itsura niya kahit na nakatagilid or nakatalikod siya sa akin.

Hindi niya pa ako nakikita dahil medjo malayo kami sa isa't isa kaya naglakad na ako palapit sa kanya dahil hindi ko na talaga kayang tignan siya sa malayo.

Habang naglalakad ako ay nasa likod 'yong mga kamay ko dahil pinipilit ko ang sariling kong kumalma kahit na pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko habang napapalapit ako sa kanya.

Tumikhim ako nung marating ko siya kaya napatingin siya sa akin. Nakasuot siya ng sunglasses pero nakikita ko parin kung paano siya medjo nagulat na makita ako dito.

"Long time no see, Doc," I said and laughed a little para gawing light 'yong atmosphere naming dalawa dahil for some reason, I was feeling tension between us,

or siguro ay ako lang dahil gusto ko siyang yakapin!

"What are you doing here?" he asked—fully turning his body to me para mas ibigay sa akin ang atensyon niya.

He looked around and at last to the direction I was just earlier before he turned his gaze back to me.

"Visiting my parents," I answered shortly at nakita ko ulit sa mga mata niya kung paano siya nagulat dahil medjo tumaas 'yong dalawang kilay niya at napaayos siya ng tayo.

"I'm sorry," he uttered—almost in a whisper.

"Okay lang, ano ka ba." I laughed a little again. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko rin kahit na alam ko na kung bakit siya andito dahil alam ko na yata ang buong talambuhay niya dahil doon sa mga articles na nabasa ko.

"Visiting my parents as well," he answered and looked down to the tombstone near us. Tumingin rin ako doon at binasa 'yong mga pangalan na nandoon at nakitang 'yong mga magulang niya nga 'yon dahil La Viste 'yong apelyido.

"They died," he whispered, but I still heard it kaya napabalik ako ng tingin sa kanya at bumigat ang pakiramdam ko.

Nakatitig parin siya roon sa tombstone ng mga magulang niya at malungkot 'yong mga mata niya kaya nahahawa ako at medjo nangingilid na 'yong mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago ko ibalik 'yong tingin ko roon.

"Same," bulong ko rin and from my peripheral vision, I saw him turn his head to me. "Couple goals," mas mahina kong bulong para hindi niya marinig.

"What happened to them?" tanong niya, but he shook his head after he regretted asking. "No, don't answer that. I'm sorry." He motioned his hand para pigilan akong sagutin 'yong tanong niya pero mahina ko lang siyang tinawanan kaya tumigil siya.

"Okay lang, matagal naman na 'yon kaya naka moved on na ako," I told him and smiled softly before answering his question. "Si mama heart failure, tapos si papa naman stroke."

Hindi ko dinetalye sa kanya 'yong nangyari sa parents ko pero nakikita ko ngayon kung paano siya natigilan dahil nakatitig lang siya sa akin at medjo naiilang ako kaya tumingin ako palayo at inayos 'yong buhok kong hinahangin.

Body ClockWhere stories live. Discover now