Pagkapasok namin sa kwarto ay nadatnan namin 'yong dalawa na naghihintay sa pagbabalik namin kaya umupo na rin kami ni Jolene sa kama ko at sumiksik naman sila sa amin.
Binuksan na ulit ni Jolene 'yong laptop niya para simulan na ang pag type ng kung ano-ano na related kay Doc doon sa search bar.
"Baka wala siyang social media!" iritadong sigaw ni Dakota dahil ilang minuto na kami rito ay wala parin kaming napapala.
"What kind of person doesn't have social media accounts these days?"
Tumango ako sa sinabi ni Maisey dahil tama siya—walang tao ang walang social media sa panahon ngayon.
"'Yong trabaho at apelyido niya lang ba talaga ang alam mo, Vicky?" Jolene asked—halatang-halata sa kanya na nachachallenge siya dahil first time niyang mahirapan sa pag sstalk.
Hindi ako sumagot sa kanya dahil sa halip ay tumingin ako sa labas ng bintanang naka bukas, kung saan nakasilip ang buwan para mag isip kung ano pa bang alam ko.
Binalik ko ang utak ko sa mga nangyari kanina at pinilit ko talagang inaalala lahat ng nasa paligid dahil baka kahit na pangalan o uri ng puno lang ang maibigay ko ay mahahanap na agad ni Jolene ang hinahanap namin.
Walang nagsasalita sa amin at hinahayaan lang nila akong mag isip hanggang sa lumiwanag ang mukha ko dahil sa wakas ay may naalala na ako.
"SUV na gray ang sasakyan niya!" I exclaimed.
Nagulat sila sa biglaan kong pagsigaw maliban kay Jolene na tumango lang sa akin at nag type sa laptop niya.
"Tignan mo lahat ng vet clinic na malapit doon sa animal rescue activity kung saan ako nahiwalay sa inyo." Mahina kong itinulak ko si Maisey para mas makasiksik ako kay Jolene at makita ang laptop niya.
Tumango siya sa akin at binuksan niya 'yong google map sa laptop niya.
Hindi ko matandaan ang name ng vet clinic dahil masyado akong focus kay Doc kanina kaya ngayon ay hirap na hirap kaming mahanap siya.
Habang nagtitipa si Jolene ay hindi ako humihinga dahil ito na talaga ang huling alas namin dahil wala na akong iba pang maalala.
"YAN!" sigaw nilang lahat, habang ako naman ay muntikan nang mabulunan sa mga hanging pilit kong hindi nilalabas sa katawan nang may makita kaming gray na SUV sa harap ng isang vet clinic at sure na sure akong doon ako galing kani-kanina lang.
"He's real! He's reaaallll!!" tili ni Maisey at kinalog-kalog pa ang balikat ni Dakota, na tumitili rin.
"TEKA! TEKA! HUMINAHON KAYO!" Jolene shouted.
Pilit niyang nilalayo 'yong laptop dahil baka sa sobrang likot nung dalawa ay mabasag pa.
Ang ingay-ingay nilang tatlo habang ako naman ay nagkatitig lang sa screen ng laptop dahil naaamaze ako kung paano na-track down ni Jolene 'to kahit na unting detalye lang ang sinabi ko dahil ayun lang naman ang alam ko.
"Ito ba 'yon, Vicky?" tanong ni Jolene sa akin.
Dahan-dahan naman akong tumango kaya mas nagtilian sila pero kalaunan ay tumahimik din dahil sinumulan na ni Jolene na isearch 'yong pangalan nung vet clinic sa facebook at IG dahil baka may page sila.
Madaming lumabas na page pero alam na agad namin kung saan doon iyon kaya agad-agad niyang pinindot.
Glory Veterinary Clinic
120k likes 48k followers433 Rosewood st. Virdilla, Philippines
Napanganga kaming lahat sa dami ng followers ng page nila dahil parang sobrang dami naman yata ng 48k for a vet clinic page. Pero at the same time, hindi na rin nakapagtataka dahil sigurado kaming si Doc ang dahilan kung bakit ganito karami ang followers nila.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...