Chapter 12

10 2 0
                                    

"Sana palaging inlove si Vicky, noh?" Jolene teased.

"Oo nga, ang sipag, e," gatong naman ni Dakota, but I ignored them dahil busy akong nag huhugas ng pinagkainan namin.

The three of them were behind me and even though hindi ko nakikita ang pagmumukha nila ay alam kong pinapanood nila ang mga bawat galaw ko at baka naka cross pa ang mga kamay nila at nakataas ang kilay.

Naririnig ko sila kahit na naka suot ako ng earphones, pero hindi ko pinapatulan ang mga pang aasar nila dahil busy ako sa paghuhugas ng plato habang nakikinig ng bagong discover kong kanta.

Napadaan lang 'to sa Spotify ko kaya sinubukan kong pakinggan hanggang sa maging bagong favorite song ko na.

Intertwined by the over October ft. the Ridley's—ayan 'yong pinapakinggan ko ngayon, at maya-maya ang pag ngisi ko dahil ang dami-dami kong naiimagine. Namumula tuloy ang mga pisngi ko at basta nalang ako humahagikgik na parang tanga rito.

Ganito talaga ang gawain ko—doing something I hate and love at the same time para maging productive.

For example, ngayon, naghuhugas ako ng plato, which is napaka ayaw kong gawin, at makinig ng music na gustong-gusto kong gawin.

At isa pa, through this way, mas bumibilis ang utak ko kaya ang dami-dami kong naiisip.

Minsan pag wala na akong mga ideas sa susunod na i-sketch, kung hindi ako tumutulala para ipahinga ang utak ko, I'm doing apartment chores naman para habang nagtatrabaho ako ay nakakapag isip din ako.

Life hack, diba?

Bumalik sa umpisa sa 'tong pinapakinggan kong kanta dahil paulit-ulit ko nang ipinapatugtog kaya sinabayan ko.

"If I could tell you all the things you are to me~" mahina kong pag kanta.

Narinig ko ang pag tahimik ng mga kaibigan ko sa likuran pero nagpatuloy parin ako sa pag kanta dahil nagandahan lang siguro sila sa boses ko.

Napaka talented ko kaya.

"I try to fit them all inside this song
May the wind may change, and
the light may fade
Our love will see us through....
So take this heart to be yours
Only yours~"

Napapikit ako sa sobrang ganda ng lyric ng kanyang 'to kaya napagdesisyonan ko na ring ito na ang magiging kanta sa kasal namin ni Doc.

Pero syempre tatanungin ko rin ang opinion niya dahil hindi lang naman ako ang kasama sa kasal na 'to.

Hindi pwedeng ako lang, dapat ay kasama siya tapos hihintayin niya ako sa harap ng altar.

Napahagikgik nanaman ako sa iniisip kaya kinagat ko 'yong lower lip ko.

Naiimagine ko na kasi na mabagal akong naglalakad habang nakasuot ng puting traditional Filipiniana gown at may belo sa ibabaw ng ulo habang si Doc naman ay umiiyak na naghihintay sa akin para sabay naming tanggapin ang basbas ng Panginoon sa pag iisang dibdib namin.

Kasi syempre, ako na 'to, noh. Ako pa ba naman pakasalan mo, edi talagang iiyak ka.

Depende nalang sa kanya kung sad or happy tears ba 'yon dahil wala siyang choice kung hindi ang pakasalan ako dahil ipipilit ko talaga.

Hinding-hindi na ako mag aabsent sa sementeryo at simbahan tuwing Sunday para mas ipagdasal na siya na talaga 'yong hinahanap ko.

Sa wakas ay natapos na ako sa paghuhugas ng plato kaya tinuyo ko na 'yong mga kamay ko at humarap sa mga kaibigan kong nakatulala sa likod ko.

Body ClockWhere stories live. Discover now