Chapter 51

4 1 0
                                    

Kumurap lang ako ay graduation na agad. Sobrang bilis talaga ang takbo ng oras kapag hinahabol mo.

Hindi ako nakapasok sa dean's lister, hindi kagaya ng mga kaibigan ko, pero masaya parin ako dahil gragraduate parin ako. Ibig sabihin, ilang oras palang mula ngayon ay fashion designer na ako.

Kasama namin ng mga kaibigan ko si Attorney dito sa loob ng itim niyang limousine dahil sinundo niya kami kanina sa apartment at on the way na kami sa school.

Si Matt naman ay nasa clinic pa kasama si Seren dahil kinuha niya noong nakaraang araw, at kanina pa siya tawag nang tawag sa akin para tanungin kung nasa school na ba kami at kung nag umpisa na ba yung program. Ayaw niya raw kasing may ma-missed out, kaya praning na praning na siya at kanina pa gustong takasan 'yong mga pasyente niya.

Natatawa nalang ako sa kanya.

Mas excited pa kasi siya at parang siya ang nagpaaral sa akin. Parang itinaguyod niya ang pag-aaral ko at nag banat ng buto para lang maka graduate ako.

Tatawa-tawa tuloy ako rito habang binabasa 'yong mga texts niya.

"Sana all nirereplyan pa ng crush," ismid ni Dakota at bumuntong hininga habang sinisilip 'yong phone ko.

"Bakit, ghinost ka ba?" pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.

She puffed an air out na parang bigla siyang nastress. "Ewan ko. Basta. Bahala siya sa buhay niya. Akala niya naman hahabulin ko siya. Neknek niya, noh." Umirap siya sa kawalan at pinagcross ang mga braso.

"Ano ba kayo nung Enrique na 'yon?" Mas natawa ako at tuluyan nang ibinaba ang phone ko para mas pagtuonan siya ng atensyon.

"Magkaaway," mabilis niyang sagot.

Pinanliitan ko siya ng mata at mas tumitig pa dahil nakanguso na siya para pigilan ang pag ngiti.

"Nag wre-wrestling nga kami sa kama nun," she snorted.

"Tay, oh!" sumbong ni Jolene at binato si Dakota ng kung anong napulot niya,

habang si Attorney naman ay chill lang dahil may binabasa siyang mga papel na nasa itim na folder not until marinig niya ang bulyaw ni Dakota.

"Feeling inosente 'to! Akala mo ba hindi ko nakita 'yong red mong thong sa closet mo? Para kanino mo 'yon isus--" hindi natapos ang sasabihin sana ni Dakota at paimpit nalang siyang napasigaw dahil marahas na tinakpan ni Jolene ang bunganga niya na parang sinasakal na siya sa gigil.

Nanlaki ang mga mata ni Attorney dahil sa narinig at umawang ang bibig dahil hindi siya mapakaniwala na ang unica hija niya ay marunong nang lumandi.

"Hindi 'yon totoo!" sigaw ni Jolene para iligtas ang sarili.

"Bi--b-bita..b-bitawan mo ako!" sigaw din ni Dakota nang lumawag ang pagkakatip sa bunganga niya. "Totoo 'yon, Attorney! Nakita ko! Promise! Close my heart!" sigaw niya at gumuhit pa ng cross sa ibabaw ng dibdib niya.

" Shut up!" napipikong sigaw na ni Jolene, pero hindi parin tumahimik 'yong isa dahil tumawa pa at mas nang asar.

"Tapos kanino mo sinesend 'yong mga bikini pics mo, ha?"

Mas naging malakas ang pagsigaw ni Jolene, at ganun din ang pagtawa ni Dakota na halatang sobrang nag eenjoy.

"Wag kang makinig sa kanila, Maisey. Keep your mind innocent." Tinakpan ko ang tenga ng nag iisa kong inosenteng kaibigan habang nag babangayan parin 'yong dalawa at nag umpisa na sa pag sermon si Attorney.

Nakarating tuloy kami sa school nang salubong ang kilay ni Jolene, habang si Dakota ay pangisi-ngisi dahil rare talaga na nananalo kami laban kay Jolene.

Body ClockWhere stories live. Discover now