Yumanig ang buong sasakyan dahil sa sunod-sunod na agresibong pagsarado ng pinto. Pero hindi iyon ang reason kung bakit ako napaatras sa kinauupuan ko, kundi dahil sa sabay-sabay na paglingon nilang lahat sa akin, at talagang hindi lang mga ulo nila ang gumalaw dahil pati na rin ang buong katawan nila.
Inilapit nila ang mga mukha nila sa akin kaya mas umatras ako at isa-isa silang pinasadahan ng tingin sa kalmadong paraan dahil sigurado akong kapag may nag umpisa ng ingay dito ay mag susunod-sunudan na.
"Okay, isa-isa lang, ha?" I calmly told them, but I think that didn't work dahil nag sunod-sunod ang mga tanong nila.
Umalog ulit ang buong sasakyan dahil nag uunahan silang mag tanong sa akin para mauna kong sagutin ang mga tanong nila.
"Bakit ka nandito!?"
"Akala ko ba masakit ulo mo!?"
"Bakit ba hindi ka marunong mag-update!? Kahit isang text lang, Vicky!"
"I thought he had a girlfriend!?"
"Pero totoo nga! Ang pogi niya!"
"Gagi, totoong tao ba 'yon!? Ang pogi!"
Inalog-alog ni Dakota ang balikat ko habang ako naman ay nag takip ng tenga dahil sa sobrang ingay nila at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.
"VICKY, ANSWER!" sigaw nilang lahat sa akin kaya napasigaw na rin ako.
"TEKA!" Itinulak ko ang mga mukha nila palayo para makahinga ako dahil sobra na nilang lapit sa akin na halos mahalikan na nila ako.
Nasa harap pa kami ng clinic dahil hindi pa naman nag dadrive palayo si Jolene, at baka naririnig na kami sa labas kaya kailangan ko muna silang kalmahin.
"Teka lang, okay?" I extended both of my palms in front para sabihing wag muna sila mag salita, and thank God because they listened.
They were just staring at me and not talking pero 'yong mga mukha nila ay hindi maipinta, kaya huminga na ako nang malalim to prepare myself na mag explain.
"Ang tagal-tagal mo rito kaya wag mong sabihing wala kaming mahalagang dapat na malaman," Jolene calmly said, but she rolled her eyes kaya napabuga ulit ako ng hangin.
"Oo na, eto na nga." After I said that, they quickly moved closer again para mas maintindihan at marinig ang sasabihin ko.
Kinwento ko lahat sa kanila 'yong mga nangyari kanina with matching exaggerated facial expressions pa dahil ngayon ko lang fully marerelease 'yong mga kilig na naiwan pa sa katawan ko. At first, wala silang reaction until I mentioned the part where he let me stay at his office.
"TOTOO!?" Sigaw ni Dakota at talagang sa tenga ko pa siya sumigaw kaya napatakip ulit ako ng tenga ko, mas lalo na at sinabayan pa nung dalawa.
"Wow, you're like a VIP, ha!" Maisey smacked my arm at medjo masakit 'yon pero hindi ako bumawi dahil kinikilig din ako.
"Susuportahan kita sa kalandiang yan pero mag update ka naman!" Binato ako ng tissue ni Jolene but I caught it kaya tinawanan ko siya. "Siraulo ka, natakot pa ako kanina nung tinawagan kita. Handa na akong sigawan ka pero nalunok ko 'yon lahat at muntikan ko pang mabato phone kasi lalaki 'yong sumagot!"
Natawa ako sa sinabi niya dahil ang arte-arte ng pagkakasabi niya at in-act pa kung paano 'yong gulat niya at paano niya muntikan nang mabato 'yong phone niya.
"But in fairness, ang pogi ng boses!" tumili si Dakota kaya napatili na rin kaming lahat at nag hawak-hawak kamay pa.
Ito talaga ang pinaka favorite part ko sa pagkakaibigan namin—nagsusuportahan kami sa kalandian.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...