I went home that night with loads of things inside my head kaya hanggang ngayong pagkagising ko ay hiyang-hiya parin ako at gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.
Dumagdag pa kasi 'tong si Dakota na kung anong kababalaghan ang ginawa kasama 'yong crush niya roon sa comfort room kaya sa tuwing naaalala ko 'yong mukha nilang dalawa ay gusto ko nalang isoffucate ang sarili ko sa unan.
Inggit ka lang. Inuntog ko ang ulo ko sa kama nang may marinig akong boses sa loob ng utak ko at sumigaw nang walang tunog, pero agad din akong tumigil dahil pinapanood ko 'tong live kagabi roon sa ball. At sa tuwing nakikita ko 'yong mukha ko ay napapapikit nalang ako sa hiya mas lalo na nung nag flash na 'yong picture naming dalawa ni Matt doon sa stage at 'yong oa na reaction nung mga babae roon na kung makatingin sa akin ay parang gusto akong durugin.
Gumulong ako sa kama at sumipa-sipa sa hangin habang mahinang sumisigaw.
Medjo aware naman na ako sa popularity niya dahil doon sa mga articles na nabasa ko before pero after ng nangyari last night ay mas naging aware ako dahil hindi pala talaga siya basta-bastang tao.
I mean, of course, he is Alexander Matthew La Viste.
But still! Still, I was so surprised dahil sunod-sunod na articles ulit ang lumabas umagang-umaga palang ngayong araw about doon sa picture namin kahapon.
Iisang picture lang 'yon pero kung ano-ano nang mga issue ang lumabas. Kesyo raw he's dating a non-showbiz girl, as if naman artista siya.
Pero may isang article naman na medjo tumama dahil ang nakalagay doon ay: Veterinarian Matthew La Viste dates Victoria Bonavich—an aspiring fashion designer and daughter of the late Mr. and Mrs. Bonavich, who owned different hotels and businesses in the country.
Tama naman 'yong nakalagay doon pero sumablay lang doon sa part na sinabing he was dating me dahil hindi pa naman, sa future pa 'yon.
But at least, they mentioned who I am at tama iyon, hindi katulad nung iba na kung ano-anong sinasabi tungkol sa akin.
"Manahimik ka, Dakot,." I cut her off before she could even speak and buried my face on a pillow.
Pero talagang makulit siyang nilalang dahil umupo pa siya sa kama ko at umusog palapit sa akin hanggang sa tanggalin ko nalang 'yong unan sa mukha ko at nakita 'yong sinusubukan niyang itagong ngisi.
"Hindi ka ba masaya na nakagawa na ako ng move sa crush ko?" she asked—pursing her lips together.
"Kadiri ka," bwesit kong sabi at binato 'yong unan sa mukha niya.
Hindi niya na napigilan 'yong tawa niya dahil humalakhak na siya nang malakas at napahiga pa sa kama ko habang hawak-hawak 'yong tsan niya, habang ako naman ay ibinato na lahat sa kanya 'yong mga unan na nahagip ko dahil simula pa kagabi ay napipikon na ako sa kanya.
Paano ba naman kasi, sa tuwing ipipikit ko 'yong mga mata ko ay 'yong mukha nilang dalawa ni Mr. Fortman na humihingal ang nakikita ko, at mas disturbed pa ako roon kesa dito sa kumakalat na issue sa amin ni Matt.
"Ang OA mo, parang di kayo nag kiss ni Doc," she said in between loud laughter.
"Aksidente 'yon! Accident!" I shouted—rolling my eyes at her kahit na ang totoo ay naiinggit ako dahil sana ay hindi nalang aksidente 'yong kiss naming dalawa ni Matt, sana totoo nalang 'yon—sana sinadya naming dalawa.
Mas napasibangot ako dahil aksidente na nga lang 'yon tapos sobrang bilis pa.
"Edi, gawin mong sadya!" she shouted back—hitting me with a pillow before she hopped out of my bed and walked out of our room.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...