Chapter 55

4 1 0
                                    

I once read in an article that once your heart stops beating, the life you lived will flash before your eyes for 30 seconds as memories will run through your head.

And with those 30 seconds...all I saw was him.

Alexander Matthew La Viste was my life.

He made me feel alive with those months we were together and with those moments when we made memories that were full of love.

Alam kong patay na ako dahil ibang uri ng kalayaan ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa mga ulap at wala ano mang bigat ang nakapatong sa dibdib ko.

Matapos kong ipikit ang mga mata ko para tanggapin ang kamatayan ay bigla nalang ako napunta rito sa maliwanag na lugar nang magmulat.

Ganito 'yong lugar kung saan nakita ko ang mga magulang ko sa isang panaginip.

At ngayon ko lang napagtanto na hindi pala 'yon panaginip dahil napunta ako sa kabilang buhay kaya ko sila nakita.

This place was like the heaven...or talagang ito nga talaga ang langit.

Hindi ko masabi kung naging mabuti ba ako noong nabubuhay pa, pero sa tingin ko ay oo dahil wala ako sa impyerno.

Malamig ang simoy na hangin dito at napaka liwanag, pero wala akong maaninag sa malayo. Ang tangi ko lang na nakikita ay ang ilang mga naglalakihang puno at walang katapusang nakakasilaw na daan.

Naglakad ako para umpisahang tahakin ang daang iyon, at sa bawat hakbang ko ay nagsisiliparan ang mga puting usok na parang maninipis na ulap.

Napangiti ako dahil napaka magical nung tignan kaya habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa baba para pagmasdan 'yon, hanggang sa may marinig akong pamilyar na boses mula sa malayo.

Agad na kumalabog ang puso ko at mabilis na lumingon sa direksyong pinagmumulan ng boses na 'yon.

"M-Matt..." usal ko kasabay ng pag tulo ng luha.

Nasa may kalayuan siya at suot ang uniform niyang white coat habang may kausap na isang babaeng naka suot ng medical scrub.

Nanginginig ang mga tuhod ko pero tumakbo parin ako palapit sa kanya, pero nang abot kamay ko na siya ay may enerhiyang humablot sa akin palayo kaya napasigaw ako.

"Matt!" sigaw ko, pero hindi siya lumilingon sa akin.

Hindi niya ako naririnig at nakikita...

Napasalampak ako sa sahig habang patuloy parin ang pag luha hanggang sa may isang boses na tumawag sa kanya.

"Doc!" Boses ng babae 'yon, and he heard her because he turned his head toward her direction.

Sinundan ko 'yon at nakita ang isang pamilyar na babae, pero hindi iyon ang ikinagulat ko dahil nakita ko rin ang sarili ko...

Nakatalikod palang ako pero alam kung ako 'yon dahil kilala ko ang suot kong damit.

It was a denim short and a bikini top, at siguradong-sigurado ako kung kaian ko iyon sinuot—noong aksidente naming nabunggo si Seren at napunta kami sa isang animal rescue activity kung saan ko unang nakita si Matt...

At tama nga ako dahil nang lumingon na ako sa kanila ay nasa bisig ko si Seren at may mga dugo ako sa katawan.

I was seeing him and myself from a third point of view just like when my parents visited my dream.

But this wasn't a dream because I am in a memory...

Pinanood ko ang sarili kong muling mahulog kay Matt at hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang pakiramdam na 'yon.

Body ClockWhere stories live. Discover now