Chapter 37

8 2 0
                                    

I thought I was gonna die.

Akala ko ay ang madilim na paligid ng kotse ko ang huli kong masisilayan sa mundong 'to, pero nagising ako at sinalubong ng puting kisame habang naka swero ang kamay.

Agad na umagos ang mga luha ko sa unang segundong nagmulat ako ng mga mata dahil sa pinaghalong takot at pasasalamat na nagising pa ako.

Paulit-ulit kong inalala kung totoo bang galing ako dito kanina at tama ang mga narinig ko kay Doctora, or I got into an accident and was rushed here.

Ilang beses ko ring ipinagdarasal na sana ang totoo ay iyong pangalawa, that I just got into an accident dahil sa paraang iyon ay nakaligtas na ako, hindi iyong papunta palang ako sa kamatayan.

I didn't know how long I'd been staying here at the hospital dahil walang bintana para makita ko ang labas

Hindi ko makita kung may araw pa ba or buwan na ang sasalubong sa akin pagkalabas ko rito.

Napabalikwas ako mula sa hinihigaang kama nang marinig ko ang sunod-sunod na pagring at vibrate ng phone ko.

It was above the side table kaya bumangon ako para kunin iyon at nakitang patong-patong na phone call at text messages galing sa mga kaibigan ko, kay Attorney, Charms, at kay Matt.

Napuno ng hangin ang tsan ko pataas sa lalamunan dahil sa dumagdag na takot sa katawan dahil sa napagtanto.

I was about to answer the incoming call from Jolene with my shaking hands when the door suddenly swung open that made my phone slip down my hand in a mixture of fear and shock.

"Don't tell anyone, p-please" I quickly told doctora—pleading with her using my trembling voice.

Ayon ang unang pumasok sa utak ko nang magising ako kanina. Ayokong malaman nila dahil hindi pa ako handa.

Hindi ko alam kung paano sasabihin na iiwanan ko na sila at hindi na ako babalik kahit na gustuhin ko man.

Doctora sighed and sat down on the chair beside my bed. "I don't have the right to tell anyone," bulong niya na nagbigay ng maliit na ginhawa sa akin.

Huminga ako nang malalim at itinaas ang tingin sa kisame para pigilan ang pag iyak na kanina ko pa ginagawa.

"I will help you, Victoria." She held my hand again like she did earlier. "I will do my best to find you a heart donor...I-I will ask every hospital that I know."

Pumiyok ang boses niya na dahilan kung bakit hindi ko na napigilan ang muling pag iyak because I know how this pains her too.

She was my mother's best friend and I saw how she cried when my Mom died, pero heto nanaman kami...

She was witnessing it again because history was repeating itself.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko kaya at mas nawawalan ako ng hininga, kaya ang nagagawa ko lang ay makinig sa kanya.

Ineexplain niya ulit ang sakit ko habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ko, pero kagaya kanina ay wala akong maintindihan.

Ang alam ko lang ay mamamatay ako kung hindi pa kami nakahanap ng donor within four months, at alam kong sobrang hirap makahanap nun kaya isa lang ang patutunguhan ko.

I will end up like her best friend, my mother.

"Aalis na po a-ako." I finally spoke but it was so quiet, mas tahimik pa sa pag bulong kaya kung hindi lang siya sobrang malapit sa akin ay hindi niya maririnig.

"It's better if you stay here fo--"

Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil agad na akong tumayo at hinugot ang swero sa kamay ko, kaya tumulo ang mga dugo mula roon at nagsipatakan sa puting sahig, pero wala akong maramdaman na kahit na anong hapdi.

Body ClockWhere stories live. Discover now