I went home right away finishing all my farewell videos at dinala ko lahat ang mga nahalughog kong gamit, kaya takang-taka ang mga kaibigan ko nang makita nila akong umuwi nang marami ang dala.
Hindi ko rin sila tinitigan sa mata dahil tiyak ako na hahagulgol lang ako, so I also didn't entertain any of their questions.
Tinatanong nila ako kung saan ko nakuha 'tong mga dala ko pero hindi ako nagsalita at dumiretso nalang sa kwarto para humilata sa kama.
Sinundan nila ako at pare-parehas na naka cross ang mga braso sa harapan ng dibdib habang pinagtataasan ako ng kilay.
"Bakit hindi mo kasama si Doc?" tanong ni Jolene.
Napabuga ako ng hangin at dahan-dahang umupo.
Hindi ko nakalimutang magpasundo kay Matt dahil sinadya ko talagang hindi siya i-contact. Bawal naman kasi akong magpasundo sa kanya roon sa mansion at ayaw ko na ring bumalik sa studio ni Bryle kaya nag taxi nalang ako pauwi rito mag isa.
Kanina pa rin tumutunog at nag va-vibrate ang phone ko at alam kong sa kanya lahat iyon galing pero hindi ko binuksan at sa halip ay pinatay ko ang phone ko.
"Girls, pwede bang dito kayo matulog?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong ni Jolene kanina.
"Iisa lang ang kwarto nating lahat, Vicky. Edi, malamang dito kami matutulog," ani Dakota at mahinang tumawa.
Umiling ako sa kanya. "Hindi. I mean, dito sa kama ko." Humina ang boses ko sa huling salitang sinabi dahil medjo nahiya ako pero nagpatuloy parin. "P-Pwede bang tabi tayo matulog ngayon?"
Lumambot ang mga mukha nila dahil sa pagpiyok ng boses ko pero dali-dali ring umupo sa kama ko para tabihan ako.
"What happened? Inaway ka ba ni Doc?" nag-aalalang tanong ni Maisey at mabilis akong hinigit para yakapin.
Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko nang itago ko ang mukha sa leeg niya pero sunod-sunod din akong umiling para sagutin siya.
"H-Hindi, I-I just had a very bad day," I told them.
Naramdam ko ang pagyakap pa nung dalawa sa akin hanggang sa mapahiga kaming apat sa kama ko.
I was in the middle, nasa kanan ko si Maisey at Dakota, habang si Jolene naman ay nasa kaliwa, at lahat sila ay nakabalot ang mga braso sa akin.
Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa bigat ng mga braso nila pero pumikit ako para damdamin iyon dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit mararamdaman at maaring baka ito na nga ang huli.
Walang nagsalita sa amin at nagpapasalamat din akong hindi na sila nagtanong, maging si Jolene dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, hanggang sa marinig ko na ang malalim nilang pag hinga.
Nakayakap parin sila sa akin kaya sobrang maingat akong gumalaw para kunin ang phone ko.
Nadaganan ko 'yon kaya iniangat ko saglita ang likod ko para makuha at nang magawa ay agad ko iyong binuksan.
Patong-patong na notification galing kay Matt ang sumalubong sa akin at napapikit pa ako dahil nasilaw ako sa brightness ng screen ko.
38 missed calls
From Hubby: Are you already done?
From Hubby: Should I pick you up already?
From Hubby: Baby, just contact me, okay?
From Hubby: Aren't you done?
From Hubby: Baby, I'm outside. Just go out if you're already done, I'll wait for you here.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...