Chapter 2

18 4 0
                                    

Medjo mabagal siyang nag drive kanina para hindi umalog 'yong kotse niya dahil baka masaktan 'yong tuta kaya hinapon kami ng dating sa clinic niya kahit na hindi naman iyon kalayuan sa kung saan ginanap iyong animal rescue activity nila.

Siya ang unang lumabas ng kotse dahil hindi naman ako makagalaw dito.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto kaya inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para ngitian siya nang hindi nanginginig ang mga labi ko at hindi ko maisuka ang puso kong nagwawala.

Medjo malapit na rin naman sa City itong clinic niya kaya siguro ay hindi na ako mahihirapang makauwi dahil ngayon ko lang narealize na nahiwalay pala ako sa mga kaibigan ko kaya siguradong binubudburan na ako ng mura ni Jolene at binabaha na ng texts at calls mula roon sa dalawa, pero hindi ko naman sila mareplayan o masagot dahil lowbat din ang phone ko.

Siguro ay nag aaway na sila kung nasaan ba ako, kung nakidnap na ba ko, o kung mag fa-file na ba sila ng missing report sa police. Pero hindi dapat sila mag aalala dahil safe na safe ako hehe.

"Doc!"

Naaalis sa utak ko ang mga nag aalala kong mga kaibigan nang may biglang tumawag sa kasama ko mula sa loob ng clinic kasabay ng pagbukas ng pinto at pag takbo ng magandang babae palapit sa amin.

She was also wearing a scrub suit and was smiling pero nawala 'yon nang makita niya ako at ang suot kong coat.

"Hi, Charms," the doctor greeted her, and even smiled a little kaya bumalik ang ngiti nung babaeng Charms ang pangalan.

"What do we have here?" Charms asked.

Lumapit siya palapit sa akin para tignan kung anong hawak ko hanggang sa umawang ang bunganga niya at mapasinghap.

"Oh my god. What happened?"

Hindi na niya ulit ako tinapunan ng tingin dahil sa doctor na siya nakatingin at siya ang tinatanong niya kaya tumahimik nalang ako dahil bigla ring sumama ang pakiramdam ko.

"I'll scan her first and then I'll let you know if I'll be needing the OR," he told her, which she nodded at.

Sinenyasan niya rin siya na kunin 'yong tuta sa akin kaya ibinigay ko nalang din sa kanya nang maingat kahit na ayaw ko sa kanya at gusto ko siyang supladahan.

Pagkatapos niyang kunin sa akin 'yong tuta ay sabay silang pumasok ng clinic kaya naiwan ako sa labas. At dahil nga dumidilim na at mas takot akong nakidnap or ma-engkanto rito, sumunod na rin ako kahit na mas dumoble ang sama ng loob ko.

Nag uusap kasi silang dalawa nang makapasok ako ng clinic pero nang makita nila ako ay tumigil sila at nag tanguhan bago umalis si Doc.

Pumasok siya sa maliit na kwarto na siguro ay kung nasaan 'yong tuta para matignan niya na kung may problema ba.

Hindi ko nagustuhan 'yong tingin nilang dalawa sa akin kanina kaya medjo naoffend ako.

Tinignan ko ang sarili ko kung may mali ba or kung madumi ba ako, at nang makita ko 'yong mga natuyong dugo sa braso at sa coat ay medjo napatawa ako dahil madumi nga ako. Kaya siguro ganoon nalang ang tingin nila sa akin.

"uh, excuse me. Where's the comfort room?" tanong ko roon kay Charms, na tinitigan muna ang suot kong coat bago tinuro kung saan 'yong hinahanap ko.

She didn't talk at talagang tinuro niya lang sa akin kaya tumango nalang ako at pumasok sa cr.

Ni-lock ko 'yong pinto at pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Magulo ang buhok ko at may mga natuyo rin pala akong dugo sa leeg dahil kanina ay naipunas ko roon 'yong kamay kong may dugo.

Body ClockWhere stories live. Discover now