I put down Seren on the floor right after I entered the apartment, at parang inoobserbahan niya pa ang paligid because she was sniffing everything while I was tapping my foot to the ground and biting my lower lip because I don't know kung saan ko siya ilalagay.
Hindi ko pa kasi nasabi roon sa tatlo kong kaibigan na iuuwi ko siya kaya hindi ko alam ang magiging reaction nila especially si Maisey dahil takot siya sa kahit na anong hayop. Pero mas natatakot ako kay Jolene dahil patong-patong na ang kasalanan ko sa kanya kaya hinahanda ko nalang talaga ang sarili kong magrounded.
I was just staring at Seren while figuring out what to do, tapos wala pa siyang mga gamit dito. I don't even know what kind of food she's gonna eat, or kung may vitamins ba siya or kailangang itake na gamot.
Paano ba naman kasi, bigla nalang nawala si Matt kanina kaya hindi ko naitanong. Tapos ayaw ko rin namang itanong kay Charms dahil parang ayaw niya ako kausap.
Natigilan ako sa pag iisip at napaupo sa couch dahil bigla nanaman akong naguilty sa nangyari kanina kahit na nagustuhan ko naman.
We kissed. I mean, not intentionally because it was an accident but still, our lips touched so ibig sabihin, nag kiss nga kami.
"Paano kung kabit talaga ako, tapos anak ka sa labas?" I asked Seren and lifted her to put her on my lap. "Payag ka?" I asked again, pero bigla siyang tumahol at tumalon paalis sa hita ko kaya napatayo ako at sinundan siya.
She was barking on the door at nung sumilip ako ay nakita ko si Dakota na binubuksan 'yong gate kaya nag panic agad ako at binuhat si Seren para itago siya but it was too late dahil nabuksan na ni Dakota 'yong pinto at nakapasok na siya.
She was so surprised to see me pero mas nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Seren na buhat-buhat ko at tinatahulan parin siya.
"Gaga ka, Vicky. Anong ginagawa niyan dito?" She asked as she put down her bag on the couch.
She was staring at Seren who was still barking at her and I could tell by her face that she still remembered her.
I tried to calm down my dog by petting her until she stopped barking, and then I sighed before turning my attention back to Dakota who was staring at me—amazed by my life decisions.
"Naguilty ako, okay? Dahil ano, pagkatapos natin siyang mabunggo iiwanan nalang natin siya?" I told her the truth.
Dakota didn't talk and just pursed her lips together—trying to figure out if my reason was valid until she slowly nodded her head.
"Alam ba ni Jolene at Maisey?" She asked and I shook my head, kaya napaupo siya sa couch kagaya ng ginawa ko kanina dahil pareho na kaming problemado ngayon.
Siya talaga ang pinaka kasundo ko sa lahat ng mga kaibigan ko dahil sabi nga ni Jolene, siya ang pinaka kunsintidor. At tama naman siya dahil lagi akong kinukunsinti ng babaeng 'to at minsan pa nga ay ipinagtatanggol kay attorney.
Siya rin ang pinagkakatiwalaan ko kaya siguro ay pwede kong ikwento sa kanya 'yong nangyari kanina at hingiin ang opinion niya dahil doon siya magaling.
I took a deep breath before sitting down next to her kaya napatingin siya sa akin at medjo nagtataka.
"Dakota, may ikwekwento ako," sabi ko, na agad nakakuha ng atensyon niya dahil umayos siya ng upo at lumapit sa akin.
"Ano?" she whispered na parang sobrang controversial ang sasabihin ko sa kanya.
From the expression on her face, agad kong nafigure out na may clue na siya sa ichichika ko kaya huminga ulit ako nang malalim.
"Nahalikan k--"
"HOOOYYY!!! TOTOO!?!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na siyang sumigaw kaya lumayo ako sa kanya dahil nabingi yata ako, habang si Seren na tumahimik na kanina ay tumahol ulit dahil sa lakas ng sigaw ni Dakota.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...