Chapter 45

4 0 0
                                    

The first thing I did when we arrived at Lolita Boulevard was to buy dirty ice cream dahil may nakita akong manong nanagtitinda at sobrang naexcite ako.

Sobrang tagal na kasi simula nung nakatikim ako nito at isa sa mga gusto kong gawin bago ako nawala ay matikman ulit isa-isa lahat ng mga favorite food ko.

"Can I get two?" tanong ko kay Matt dahil sigurado akong kulang ko 'tong isa, at tsaka ako tumingin pataas sa kanya na parang bata.

"Of course," he said—turning to the vendor para sabihing kukuha pa kami ng isa.

Napa-palakpak ako sa saya at pinanood na gawin ni manong 'yong isa ko pang ice cream habang nakakapit sa braso ni Matt.

Pagkatapos ay tumingin ako sa likod namin kung nasaan ang mga kaibigan ko at si Attorney na kumakain din.

Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa ng mga kinakain nila at napanguso bago muling harapin si Matt.

"Gusto ko lahat ng flavor," I told him.

Nagkasalubong ang mga kilay niya pagkatapos ay sinundan ng tingin ang tinitignan ko kanina kaya napagtanto niya kung bakit bigla ko nalang gusto lahat ng flavor.

"Can you finish all of it?" tanong niya nang magbalik tingin sa akin.

"You can have the rest kung hindi ko naubos," I said and shrugged my shoulders.

Tumitig muna siya sa akin para tignan kung magbabago pa ba ang isip ko, pero sa huli ay nag kibit balikat din lang siya at sinabi sa vendor na ilagay lahat ng flavor kaya mas napangiti ako sa tuwa.

Ang ending tuloy ay patong-patong na makukulay na ice cream with different flavors ang hawak ko at maya-maya ang pag alalay niya sa akin dahil hindi na ako tumitingin sa dinadaanan namin sa pagiging okupado ko.

Hindi na rin siya bumili ng sa kanya dahil ibinigay ko na sa kanya 'yong maliit na ice cream na una kong binili.

Naupo kami sa isang mahabang bench at dahil nga marami kami ay hindi kami kasya kaya tumayo nalang si Matt, Sean, at Attorney.

Patapos na silang lahat sa mga kinakain nila habang ako naman ay wala pa sa kalahati dahil sa sobrang dami at medjo nakakapressure kaya binilisan ko ang pag kain.

"Slow down," Matt uttered because he noticed how fast I was eating.

Lumapit siya sa harapan ko at yumuko para punasan ang mga natunaw at tumulong ice cream sa kamay ko kaya huminto muna ako sa pagkain.

"Do you still want that?" tanong niya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit 'yong handkerchief niyang puti.

Tumingin ako sa hawak kong ice cream at mabuting pinag isipan kung gusto ko pa ba, hanggang sa umiling ako sa kanya dahil ayaw ko nang ubusin.

"Are you sure?" malambot niyang tanong kaya pinag isipan ko ulit dahil hindi ko pa 'yon nakakalahati, pero hindi ko na talagang kayang ubusin kaya tumango ako sa kanya. "Okay," he softly said and nodded his head before taking the ice cream from me.

Tumutulo na 'yon sa sahig at malambot na 'yong cone dahil natunaw na 'yong ice cream, kaya kahit na ayaw na ayaw niyang mag sayang ng pagkain ay wala siyang nagawa kung hindi itapon 'yon sa malapit na basurahan.

Lumuhod siya sa harapan ko nang makabalik siya at nag labas ulit ng bagong panyo sa bulsa niya pagkatapos ay kinuha ang mga kamay kong malagkit dahil sa natunaw na ice cream.

Maingat niyang pinunasan ang mga 'yon habang ako naman ay pinapanood siya at alam kong ganun din ang mga kasama namin dahil nararamdaman ko ang mga titig nila. Pero hindi niya 'yon napapansin dahil seryoso siyang nililinisan ang kamay ko hanggang sa mag angat siya ng tingin sa akin.

Body ClockWhere stories live. Discover now