Chapter 10

11 1 0
                                    

"Bakit masaya ang beshy ko?" tanong ni Dakota at kumawing pa sa braso ko habang nag lalakad akong pangiti-ngiti at binabati ang lahat ng mga nakakasalubong ko.

Late ako ng 40 minutes at pito pa pala ang fashion sketches na kailangan kong gawin pero hindi ako naprepressure dahil naniniwala ako ngayon na posible ang lahat basta may motivation ka.

"Kinita mo crush mo, noh?" tanong ulit ni Dakota at sinundot pa ang tagiliran ko kaya natawa ako at mahina siyang itinulak palayo. "Ang landi mo!" Mahina niya akong hinampas sa braso.

"Birthday niya kasi ngayon," mahinhin kong sagot sa kanya at pabebe pang inayos ang buhok gaya ng kanina ko pang ginagawa kaya napasinghap siya.

Napaka OA ng pagkakasinghap niya dahil hinigop niya yata lahat ng mga hangin sa paligid namin at sobrang lakas pa nun na halos lahat ng mga tao sa paligid namin ay napatingin.

"Siraulo ka, edi 9 years na age gap niyo?" Hindi siya nauubusan ng tanong pero ditong tanong ako napahinto dahil kanina ko pa rin 'yan iniisip.

Hindi kasi siya mukhang 30 years old dahil ang bata-bata niyang tignan, kaya nga gusto ko siyang tawagin na baby, at talagang nagulat ako nung nalaman ko na 29 years old na siya roon sa isang article na binasa ko.

Pero kahit na ganun ay wala namang problema, ang problema lang dito ay...mukha akong bata for my age dahil kahit na 21 years old na ako ay mukha parin akong 18 years old kaya siguro nalaman niya kanina na nag aaral pa ako at tinanong kung hindi pa ba ako late sa school.

Malaki ang age gap naming dalawa pero legal age naman na ako at mag gagraduate na ako soon kaya walang mali rito.

Huminga ako nang malalim tapos nag chin up ako para mag mukhang confident bago sagutin 'yong tanong ni Dakota ng isa pang tanong.

"Narinig mo na ba yung 'age is just a number', Dakota?" I asked at inirapan siya, habang siya naman ay napasinghap ulit at napatakip pa ng bibig para talagang ipakita sa akin ang gulat niya.

"Hindi na ikaw 'yong Vicky na kilala ko. Saan na 'yong Vicky na binubully ako dahil 32 years old 'yong crush ko?" She sounded sad pero alam kong umaarte lang siya at sarcastic kaya tinanggal ko 'yong kamay niya braso ko, na ikinatawa niya naman.

"Kabully-bully naman kasi, 32 years old ba naman," sagot ko sa kanya at

hindi maiwasang matawa dahil naaalala ko 'yong mga time na kinwekwento niya sa amin yang crush niya tapos puno ng judgement 'yong mga mukha naming lahat.

"Hoy, at least 22 years old na ako, noh!" She was so offended sa sinabi ko pero tumatawa parin ako kaya nabwebwesit na talaga siya sa akin at iniirapan na ako.

"10 years parin age gap niyo, two digit 'yon. 'Yong akin 9 years lang kaya one digit lang," dagdag ko pa para mas mabwesit siya at syempre para rin igaslight ang sarili ko na okay lang talaga 'yong age gap namin ni Doc.

"Ang sama ng ugali mo kapag in love ka, noh? Sana di na maulit," huling sabi niya, at inirapan pa ako to the max na halos bumaliktad na 'yong mata niya bago ako iwan.

Napanganga ako habang pinapanood siyang maglakad palayo at napatawa nalang nang malakas pagkatapos kaya nakahakot ako ng attention mula sa mga tao sa paligid.

Napatakip ako sa bunganga ko at yumuko nang kaunti sa mga tao para iparating ang sorry ko dahil sa pagiging maingay at agad na sinundan si Dakota para hindi na tumagal ang pagpapakahiya ko rito.

"Dakota!" sigaw ko sa pangalan niya pero hininaan ko 'yon dahil baka makakuha ulit ako ng atensyon pero dahil hindi niya ako nilingon ay nilakasan ko na ang sigaw ko. "DAKOTA!" Nagsitinginan ang lahat sa akin pero dahil malapit na kami sa building namin ay halos kilala ko na sila lahat kaya nginitian ko nalang sila at kinawayan.

Body ClockWhere stories live. Discover now