Chapter 43

4 0 0
                                    

Umalis kami ng apartment kasama si Seren kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa usapan sa pagitan ng mga kaibigan ko at ni Attorney.

I was uttering prayers inside my head as we drove our way to Matthew's house to make God let my friends take my situation easy even though alam kong hindi mangyayari 'yon.

Nagbabaka-sakali lang ako na hindi ko sila masaktan at ng sakit na umaagaw sa buhay ko kahit na malabo.

Nang makarating kami sa bahay ni Matt ay agad siyang lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto kagaya ng lagi niyang ginagawa at kukunin sana sa akin si Seren para siya ang mag buhat pero umiling ako sa kanya at inilayo ang aso ko sa kanya dahil hindi pa naman ako masyadong mahina.

Oo, nararamdaman ko na ang unti-unting panghihina at pagbigay ng katawan ko sa akin, pero kaya ko pang gawin itong mga simpleng bagay na 'to.

Hindi pa ako useless.

Nauna akong naglakad papasok habang nakasunod naman si Matt sa akin at nang buksan niya ang pinto ng bahay niya ay agad kaming sinalubong ng mga alaga niyang aso, kaya itinaas ko si Seren dahil baka sampahin siya nang mga 'yon.

Tumatahol sila at sinasampa ako kaya napapahakbang ako paatras hanggang sa mabunggo ko na ang dibdib ni Matt at maramdaman ko ang magaan niyang pag hawak sa braso ko para alalayan.

"Behave," matigas niyang suway sa mga alaga niya, at sa isang salita lang na 'yon ay agad silang umatras para bigyan kami ng espasyo na magpatuloy sa pagpasok kagaya noong unang beses akong dumalaw dito.

Nauna na siyang humakbang ngayon at hindi nag tagal ay muling humarap sa akin para subukang kunin ulit si Seren kaya ibinigay ko na sa kanya dahil nangangawit na rin ang mga braso ko.

Hawak niya siya sa isang kamay habang iyong isa naman ay nasa likod ko para alalayan parin akong mag lakad kung sakaling sumampa ulit 'yong mga aso niya.

Tahimik kaming umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto niya at nang makita ko ang kama niya ay parang gusto ko agad mahiga doon dahil kagaya nung swivel chair niya sa clinic ay isa 'yon sa pinaka komportableng bagay na nalapatan ng katawan ko.

"Come on here," I heard Matt say and in just blink of an eye, I already saw him sitting on the bed with Seren on his lap.

They were both looking at me and waiting for me to go there, kaya lumapit na ako sa kanila at naupo sa tabi nila.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Matt at siya naman ay maingat na inilapat ang palad sa mukha ko habang hinahaplos iyon gamit ang daliri niya.

"I wanna take a rest," bulong ko sa kanya dahil pagod na pagod ako sa araw na 'to.

Hindi ko nga alam kung iisang araw lang ba ang lumipas simula nang matagpuan nila ako sa mansion at magising sa hospital dahil sa bilis ng mga nangyayari ay hindi ko na napagtutuonan ang oras na unti-unti nang inaagaw sa akin.

"I wanna take a rest with you," mabilis kong pahabol dahil pagkatapos niyang tumango sa akin ay nag badya siyang tumayo para iwanan ako, at agad akong natakot doon.

Ilang segundo siyang tumitig sa akin kaya ganun din ang ginawa ko, hanggang sa maliit ulit siyang tumango sa akin at hinalikan ang noo ko bago kami tuluyang mahiga kasama si Seren.

Nasa gitna namin siyang dalawa at tahimik lang kaya malaya kaming napakiraramdaman ang presensya ng bawat isa.

"Do you think she'd understand?" pabulong kong tanong at mabilis na pinasadahan ng tingin si Seren na siyang tinutukoy ko. "Hindi kaya siya magtatampo sa akin? Paano kung isipin niyang bigla nalang akong nawala at ini-abandona siya?" Sunod-sunod kong itinanong ang mga katanungang matagal nang nasa isip ko.

Body ClockWhere stories live. Discover now