Lumabas kami ng boutique pagkatapos nilang bayaran ang lahat at dahil nga sobrang dami nun ay nangailangan kami ng mga extra hands to help us put it in their cars.
Oo, cars talaga, plural dahil hindi kasya lahat sa sasakyan ni Matt.
Nakapamewang ako habang pinapanood silang magpakahirap na ipagkasya ang mga 'yon sa mga sasakyan nila, kaya hindi ko maiwasang matawa.
Gusto ko sanang tumulong pero ginusto nila 'yan, kaya panindigan nila.
Wala pa sa kalahati ang successful nilang napapasok sa bawat sasakyan kaya nangangawit na ang mga paa ko sa kakatayo at naboboring na ako.
Ngumuso ako at inilibot ang tingin sa paligid para i-entertain ang sarili, hanggang sa makuha ng atensyon ko ang isang magandang babaeng may hawak na iba't ibang kulay na bulaklak.
Sobrang ganda niya kaya kahit na hindi siya katangkaran ay nag sstand out siya sa lahat ng mga tao rito at parang nababalot pa ng liwanag ang katawan niya.
She was a literal goddess.
She has a beautiful ginger curly hair, golden fair skin, green eyes na sa tuwing natatapatan ng araw ay nagiging gold, at mga maliliit na freckles sa bridge ng matangos niyang ilong. Nakasuot din siya ng green dress na sumasabay sa ihip ng hangin, kaya para siyang lumulutang.
Itinikom ko ang bibig kong hindi ko namalayang nakaawang na pala at wala sa sariling lumapit sa kanya.
"Are you selling those?" Napaharap siya sa akin dahil sa narinig na pagtatanong ko.
Agad na sumilay ang magandang ngiti sa labi niya kasabay ng masiglang pagtango sa akin. "Opo," she replied.
Sinipat ko iyong mga binebenta niyang bulaklak kaya mas inilapit niya yun sa akin at hindi ko alam kung iyong mga bulaklak ba ang mabango o siya noong umihip ang hangin, or maybe both.
"Meron ka pa bang mga ganito?" I asked—showing her the beautiful purple flower I pulled out from her grip together with the other flowers.
"Opo, pero nasa flower shop po namin sa isla," she answered with her soft and sweet voice.
Tumango ako sa kanya at inamoy ang bulaklak na hawak ko. "Saan 'yong islang tinutukoy mo? Can we visit there to see the flowers?"
Napatingin siya saglit sa itaas para mag isip bago muling masiglang tumango sa akin kaya napangiti ako.
Nagpaalam ako sa kanya pero sinabing agad ding babalik dahil tatawagin ko lang 'yong mga kasama ko, na mabait niya namang sinang-ayunan.
"Where did you go?" tanong ni Matt sa akin nang makabalik ako sa kanila at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"May gusto akong puntahan." Ihinilig ko ang ulo sa dibdib niya.
Narinig ng mga kasama namin ang sinabi ko kaya sabay-sabay silang lumingon sa amin.
"Where?" malambing na tanong ni Matt.
"May nakilala ako kanina," pag uumpisa ko at lumingon pabalik sa pinanggalingan ko.
Sinundan nilang lahat 'yong direksyong tinitignan ko, kaya lahat na kami ay pinagmamasdan mula rito iyong magandang babae na nakalimutan ko palang tanungin ang pangalan.
"Nagtitinda siya ng mga bulaklak pero kaunti lang ang dala niya, kaya gusto kong pumunta roon sa flower shop niya sa isang isla," mahaba kong sabi at agad kong sinunod ang pagtatanong. "Pwede ba tayo pumunta roon?"
Ibinalik ulit ni Matt ang tingin niya roon sa babaeng tinutukoy ko nang may nanunuring mga mata dahil sinusuri niya kung makakapagkatiwalan ba 'yon.
Pinagmasdan ko rin ang babae. May binebentahan siyang maliit na batang babae ngayon at kahit na hindi ko siya naririnig ay alam kong napakalambot ng boses niya habang kinakausap iyong bata dahil sa nakikita kong expression sa mukha niya, so I can confidently say that she's harmless, except nalang kung totoo nga siyang diyosa at may kapangyarihan.
YOU ARE READING
Body Clock
Ficção GeralIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...