Chapter 49

3 0 0
                                    

Just like what I wrote on my bucket list, araw-araw akong maagang nagigising para masilayan ang pagsikat ng araw.

Mag isa ako ngayong nakatayo sa veranda habang yakap ang sarili dahil sa lamig ng ihip ng hangin.

Ala-sinco palang ay gising na ako dahil gusto kong maabutan ang pagsikat ng araw sa gitna ng mga naglalakihang mga bundok sa kalayuan sa may silangan.

Naririnig ko rin ang mga huni ng ibon at ang maliliit na tunog ng mga kuliglig, at napangiti nang tuluyan nang nagpakita ang araw na nagbibigay ilaw sa buong paligid, kasabay ng muling pag ihip ng malamig na hangin, kaya mas niyakap ko ang sarili.

Hindi lang paghintay sa pagsikat ng araw ang hinihintay ko rito tuwing umaga, kundi pati na rin ang pag ihip ng sariwang hangin dahil nakakaramdam ako ng sandaliang ginhawa roon.

Ilang beses akong humugot ng malalim na paghinga para ramdamin ang ginhawa sa dibdib ko bago ako nagpasyang bumalik na sa loob dahil naririnig ko na ang pag gising ng mga kaibigan ko.

"Good morning, Vicky," pumupungas na bati ni Maisey sa akin at lumapit para yumakap.

Niyakap ko siya pabalik at hinaplos ang mahaba niyang buhok. Ganito na ang naging routine naming dalawa tuwing umaga dahil mas naging malambing siya sa akin.

Naging malambing at mas mabait din naman sa akin 'yong dalawa, pero ibang klase ang kay Maisey dahil sa tuwing nandito ako sa apartment ay hindi na siya humihiwalay sa akin. Siya na rin ang katabi ko sa pagtulog, pero sa tuwing naaalimputangan ako ay natatagpuan ko nalang kaming apat na nasa iisang kama dahil kapag tulog na ako ay tumatabi na rin 'yong dalawa.

Sinusulit kasi nila ang mga oras na kasama ko sila, mas lalo na at kadalasan ay sa bahay na ni Matt ako natutulog.

Nang humiwalay sa akin si Maisey ay yumuko naman ako para buhatin si Seren na kanina pa nagpapacute sa akin noon nasa veranda palang ako.

Naupo ako sa upuan ko sa dining table kaya ipinatong ko siya sa hita ko habang hinahaplos ang manipis niyang balahibo.

Napapansin ko rin na mas lumalambing 'tong asong 'to sa akin, kaya minsan ay katabi ko rin siyang matulog. Pero kapag nasa bahay kami ni Matt ay tatlo kaming magkakatabi sa isang kama.

"Papasok ako ngayon," sabi ko sa mga kaibigan nang ilapag ni Jolene 'yong breakfast namin sa table.

Tumitig lang ako roon at hindi ginalaw ang nilagay nila sa plato ko dahil tinitignan ko palang ang mga 'yon ay nasusuka na ako.

"Kaya mo ba?" nag-aalangang tanong ni Dakota.

Madalang na kasi akong pumasok sa school ngayon dahil busy ako sa pagluluksa sa maikli kong buhay. Pero dahil kung gusto kong matupad 'yong isa sa mga sinulat ko sa bucket list, kailangan kong pumasok ngayon.

"Oo naman," sagot ko at pinatungan 'yon ng mahinang pagtawa.

"Sige. Kumain ka muna kahit isang tinapay lang," pagsang-ayon ni Jolene.

Sinunod ko ang sinabi niya kahit na isang kagat palang dito sa tinapay ay naduduwal na ako kaya palihim ko nalang iyong ipinapakain kay Seren na nasa hita ko parin.

Uminom nalang ako ng madaming water para kahit na papaano ay may laman ang tsan ko.

Pagkatapos naming mag breakfast ay isa-isa na rin kaming naligo para makaalis na, at kagaya ng palagi ay nag tagal ako sa banyo kaka-conceal sa mga pasa ko sa katawan at paglagay ng kulay sa maputla kong mukha.

Sinuot ko lang din 'yong hoodie ni Matt para mas itago ang pay kong katawan, kaya nang makarating kami sa school ay nagmukha akong basahan dahil sa mga suot ng schoolmates ko. Lagi kasi silang parang nasa fashion show.

Body ClockWhere stories live. Discover now