Chapter 18

9 2 0
                                    

Mahigit isang linggo na rin simula noong araw-araw na akong dumadalaw dito sa clinic, at talagang consistent ako dahil every after class ay dito ako dumiretso. Kaya dinadala ko na rin si Seren sa school para diretso na kaming dalawa dito, at dahil nga araw-araw na ako dito ay naging mag bff na kami ni Charms.

Sobra kasing malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya talaga ang gumagawa ng paraan para makasama ko si Matt, at talagang ineeffortan niya 'yon dahil todo suporta siya sa akin.

Inaaway na nga ako nung tatlo kong mga kaibigan dahil nagseselos na sila sa kanya kaya I always make sure na nakapag bonding na ako sa kanila before ako pumunta rito. At sa araw-araw na andito ako ay iba-iba ang nirarason naming dalawa ni Charms.

Minsan ay dahil mag chichikahan daw kami, which was very unconvincing dahil bigla nalang kaming naging magka close. Pero wala naman naging mapangahas na nag question nun.

Minsan din ay dahil daw namimiss niya si Seren, tapos nung isang araw ay dahil nag papadesign daw siya ng damit sa akin, at ngayon naman ay dahil ipapakilala niya ako sa asawa niya. Kaya maagang-maaga palang ay nandito na agad ako para mameet 'yong asawa niyang bestfriend ng asawa ko.

Tatawa sana ako dahil sa naisip, pero biglang tumayo at nag salita 'tong si Charms kaya naging ngiti lang 'yon.

"There they are!" she happily exclaimed and ran toward the door kung saan papasok 'yong mga asawa namin.

Nagtatawanan silang dalawa at sobrang gandang pakinggan nun, hanggang sa makita nila si Charms na tumatakbong papunta sa kanila kaya ngumiti nang malaki 'yong asawa niya at binuksan ang mga braso para salubungin siya ng yakap.

Napangiti ako sa kanilang dalawa dahil kahit na unang beses ko palang silang makita together ay naramdaman ko na agad na sobra nilang mahal ang isa't isa.

Grabe kasi sila makatitig. Parang kaunti nalang ay mag huhugis puso na 'yong mga mata nila kaya hindi ko maiwasang mapahiling na sana ay maging ganun din kami ng lalaking nasa tabi nila na kagaya ko ay pinapanood silang dalawa.

Nakita kong may sinabi si Charms doon sa asawa niya pero hindi ko 'yon narinig dahil ibinulong niya lang, pero sabay-sabay silang lumingon sa akin kaya bigla akong nailang.

Hindi ko alam kung sino ang titignan ko sa kanilang tatlo kaya naglikot 'yong mga mata ko at nahihiya nalang na ngumiti, hanggang sa marinig ko 'yong mahinang pag tawa nung asawa ni Charms pagkatapos ay 'yong mga footsteps nilang palapit sa akin.

"Vicky, this is my husband, Sean," pagpapakilala ni Charms doon sa asawa niya, at tsaka bumulong sa kanya na makipag shake hands sa akin.

Ngumiti kami sa isa't isa at iniabot 'yong mga kamay namin para makapag shake hands kami, at hindi maiwasan ng mga pisngi kong mamula dahil ang pogi niya!

"Sean, that's Vicky," pagpapakilala naman ni Charms sa akin.

Tumango ulit ako nang isang beses at isinalikop sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng ligaw kong buhok.

Pagkatapos kaming ipakilala ni Charms sa isa't isa ay humarap naman siya kay Matt na kanina pa nanonood sa mga nangyayari pero walang sinasabi, hanggang sa sikuhin siya ni Sean kaya nakasimangot siyang humarap sa kanya.

"What?" medjo iritado niyang bulong sa kanya.

Napakagat ako sa lower lip ko dahil sa attitude na bigla niyang ipinakita dahil kani-kanila lang ay nag tatawanan sila.

Napansin 'yon ni Charms kaya mahina siyang tumawa at inilayo 'yong asawa niyang medjo nagulat din sa naging tono ng kaibigan nila.

"Vicky, uuwi ka na ba?" biglang tanong ni Charms sa akin.

Body ClockWhere stories live. Discover now