From Charms: Why aren't you going here anymore?
I sighed upon reading Charms' text message, but I eventually put down my phone to forget about it dahil ayokong maging sanhi iyon ng pagbalik ko sa clinic after three days of not visiting. And with those three days, grabe ang pagpipiling kong magpunta doon na kulang nalang ay ikadena ko ang sarili ko sa kama para hindi na ako makalabas dito sa apartment.
Pero sino nga ba naman ang niloloko ko? Natawa ako sa iniisip at tumingin sa paligid kasabay ng banayad na paghangin sa buhok ko dahil nandito ako ngayon sa cemetery kahit na hindi Sunday, at kahit na sabihin kong ang mga magulang ko ang rason kung bakit ako nandito ay alam kong kasinungalingan 'yon dahil nag baka sakali akong nandito siya.
But he wasn't here.
Wala siya dito, sa simbahan, or sa harap ng pet store kung saan ilang beses akong nagpabalik-balik kasi baka makita ko siya kahit na sa malayo lang.
Ilang oras na ako dito pero wala akong ginawa kundi tumanaw sa gate at sa puntod ng magulang niya dahil baka bigla siyang lumitaw...baka biglang pumasok iyong kotse niya jan sa gate at makita ko siya.
Kahit na dedmahin niya nalang ulit ako, okay lang.
Pero palubog na ang araw at ako nalang ang nag iisa rito ay ni anino niya hindi ko nakita, kaya malungkot at dismayado akong tumayo pagkatapos ang pinagpagan ang suot kong jeans para makaalis na.
Lumingon pa ako ng isang beses sa puntod ng magulang ko at ngumiti bago naglakad palabas ng gate para pumara ng taxi dahil hindi ko parin nakukuha 'yong kotse ko sa school.
Pero agad rin akong napahinto dahil nag vibrate 'yong phone ko kaya binunot ko 'yon sa ilalim ng bag ko.
From Bryle: Hi, Victoria. Are you free tonight? I already reached out to the male model I mentioned to you before and he agreed, so I was thinking that it's better if you meet him too in person before we completely get him.
Binasa ko ang text niya at pagkatapos ay nag type ng reply.
To Bryle: Yeah, sure. No problem, saan ba?
I sent him my reply and didn't wait long because he quickly responded.
From Bryle: Old town café. Are you familiar with that place?
I nodded my head upon reading his text na parang nakikita niya ako bago nag reply na alam ko nga 'yon.
Ibinalik ko na ulit 'yong phone ko sa bag at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng gate at makapag para ng taxi.
I told the driver the address at nung pagkarating ko naman sa meeting place namin ay nandoon na agad siya kaya lumapit na ako at ngumiti sa kanya.
He stood from his seat at nakipag beso-beso sa akin. Sanay naman na ako doon kaya ngumiti nalang ulit ako before sitting down.
"He's caught in traffic," he said and chuckled a little—referring to the male model.
Bigla naman akong nahinto doon dahil sobrang attractive ng pagkakatawa niya kaya napakagat labi ako para pigilan ang grabeng pag ngiti.
No doubt na crush nga siya ni Maisey dahil talaga namang pogi siya at nung napatingin ako sa paligid ay halos lahat ng mga babae dito ay nakatingin sa kanya tapos magbubulungan. Kaya mas napapangiti ako dahil siguro'y inaakala nilang date ko siya. Ang medjo pinapangambahan ko lang ngayon ay baka may biglang humablot ng buhok ko.
"He'll be here soon. Let's just order first." He stood up, kaya tumayo na rin ako but he showed his palm to stop me. "It's on me, just stay here." Ngumiti ulit siya sa akin, at naglakad na palayo, habang ako naman ay napaupo pabalik at tulalang pinapanood ang likod niya hanggang sa makarating siya sa counter.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...