Chapter 56

12 0 0
                                    

I gasped for air like it was my first time breathing as if I was born again or as if I had resurfaced from a very deep water.

Nang imulat ko ang aking mga mata at puting kisame ang sumalubong sa akin kasabay ng sunod-sunod na matinis na maliit na tunog galing sa aparatus sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang nangyayari, hanggang sa unti-unti kong napagtanto ang lahat noong umangat ang palad ko sa ibabaw ng sariling dibdib dahil naramdam ko roon ang pagtibok ng puso ko.

Pagtibok ng puso ko....

Pagtibok ng puso ko....

Pagtibok ng puso ko....

I can feel my heartbeat against my palm...

It was alive...my heart.

It was beating...

Sunod-sunod na tumakas ang mga luha ko at wala sa sarili kong kinapa ang sarili habang dahan-dahan, ngunit tuluyang napagtatanto ang nangyayari.

Nahahawakan ko ang sarili kong katawan at tumitibok ang puso ko, kaya't ang ibig sabihin ay buhay ako...

Buhay ako!

I freaking surviv–

"V-Vicky..." tawag ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko.

Sinundan ko ang boses na iyon at natagpuan ko si Jolene na gulat na gulat at nakatitig sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

Ilang segundo kaming nagkatitigan sa isa't isa hanggang sa bigla niyang hinablot ang kamay ko at malakas na umiyak habang idinidiin niya iyon sa basa niyang pisngi, kaya gumuho ang dibdib ko ay sinabayan siya sa pag iyak.

Nararamdaman ko ang physical na kirot sa dibdib ko, pero imbes na mag alala roon ay mas nagalak ako dahil alam kong buhay nga ako...na nakaligtas ako.  

Unti-unting nauwi sa mahinang pagtawa ang pag iyak ko, kaya nagtatakang napatingin sa akin si Jolene na hanggang ngayon ay hindi matigil sa pag iyak at ayaw akong bitawan.

Pinunasan ko aang mga luha ko at ngumiti sa kanya bago itanong ang bagay na gusto kong itanong kanina pa simula noong nagkamalay ako. "Where is Matthew?"

Alam kong kailangan kong magpahinga, pero gusto kong makita si Matthew dahil kailangan niyang malaman na buhay ako, na nakaligtas ko, at binigyan ako ng oras para makasama namin ang isa't isa.

Kumunot ang noo ni Jolene. "Matthew?" patanong niyang usal sa pangalan ng lalaking hinahanap ko.

Tumango ako. "Oo. Nasaan si Matthew, Jolene? Kailangan niyang malaman na nakaligtas ako, na gising na ako, na buhay ako. Kailangan niyang malaman, Jole–"

Huminto ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang mahigpit, ngunit maingat na pagpisil ng kaibigan ko sa mga kamay kong hawak niya.

Malalim kong pinagmasdan ang mukha niya at kay bilis na binalot ng takot ang dibdib ko nang dalawang beses siyang umiling at mas umalpas ang pag agos ng mga luha niya, hanggang sa dahan-dahan niyang sinalubong ang mga mata ko at sinabi ang mga salitang pumatay sa puso ko sa pangalawang pagkakataon.

"You survived, Vicky, but he did not."

Body ClockWhere stories live. Discover now