Chapter 35

6 1 0
                                    

Kinabukasan ay sinundo ulit ako ni Matt dahil gusto niya daw akong ipakilala sa mas malaki niyang pamilya.

I got confused and asked him a lot of times dahil hindi ko alam na may pamilya pa pala siyang iba, pero hindi niya sinasagot ang tanong ko, hanggang sa maintindihan ko na ang tinutukoy niya dahil dinala niya ako sa bahay ampunan kung saan siya lumaki.

Ipinakilala niya ako sa lahat ng mga tao rito at ilang beses inulit sa bawat isa sa kanila na ako ang babaeng papakasalan niya.

They welcomed me with open arms and warmth, na hindi na ako makapaghintay na maging pamilya ko na rin sila.

Ngayon naman ay ipinapakilala niya ako sa mga bata rito, at kagaya kanina ay ipinaintindi niya sa kanila na ako iyong mapapangasawa siya na hindi ko na maiwasang mapatawa.

"This is Ate Victoria. Diba, nag promise ang kuya sa inyo na babalik ako rito na may kasamang magandang babae?" tanong niya sa mga bata at tumango naman sila. "Siya na yun."

Lumingon siya sa akin habang nakayuko nang kaunti sa mga bata at ngumiti sa akin kaya agad akong kumapit sa braso niya nung umayos na siya ng tayo.

"Hello po, Ate Victoria!" pagbati ng mga bata sa akin at nagulat nalang ako nung isa-isa silang yumakap sa akin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan at hindi ko alam ang gagawin, kaya sinalubong ko ang mga mata ni Matt para humingi ng tulong.

"They liked you," he whispered at inginuso ang mga labi para sabihing pansinin ko 'yong mga bata, kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa braso niya para yumuko.

"Hi," matipid kong pagbati sa mga bata at ngumiti dahil iyon lang ang naiisip kong gawin.

Bumitaw sila mula sa pagkakayakap sa akin habang malaki parin ang mga ngiti sa mukha na parang wala silang dinadalang mabigat dahil bata palang sila ay ipinatikim na ng mundo sa kanila ang kalupitan.

"She is pretty nga po, Kuya," ani ng isang batang babae habang malalim siyang nakatitig sa akin na parang manghang-mangha, kaya agad na namula ang mga pisngi ko.

"Kuya Matthew never lie," sabi naman ng isang batang lalaki na grabe rin ang pakatitig sa akin.

Mas namula ang pisngi ko doon at maliit na tumawa dahil hindi nga naman nag sisinungaling ang mga bata.

Mahina ring tumawa si Matthew at hinawakan na ulit pabalik ang kamay ko.

"May pasalubong ako sa inyo," he told the children, kaya nagsipalakpakan sila at ang mga iba pa nga ay tumalon sa tuwa. Habang ako naman ay nagtatakang napataas ang tingin sa kanya dahil hindi ko alam na may mga dala pala siya.

Tumingin siya pabalik sa akin nung maramdaman niya ang mga mata ko at maingat na hinila, hanggang sa makarating kami pabalik sa kotse niya.

Doon niya lang ako binitawan kaya nag stay ako sa likuran niya para panoorin siyang buksan iyong trunk ng kotse niya, at unti-unting tumaas ang bawat sulok ng labi habang lumalambot ang puso nung makita 'yong mga laruan doon.

Binitbit niya ang mga iyon habang ako naman ay hindi mawari ang gagawin dahil sa bawat segundo na lumilipas ay mas minamahal ko siya.

I mean, who wouldn't love a man like him? He has the purest soul in the whole entire world.

I love the way he talked to the children earlier because it was so soft and calming, tapos ngayon naman dito sa mga pasalubong niya na siguradong magpapasaya sa kanila.

"I love you, Matt," I told him out of the blue dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.

Agad siyang napalingon sa akin nung marinig yung sinabi ko at isinarado yung trunk ng kotse niya bago siya maglakad palapit sa akin na hawak-hawak ang mga pasalubong niya.

Body ClockWhere stories live. Discover now