"oh, guess who's here today," Charms said with a chuckle when she saw me enter the door.
Hindi siya nagulat na makita ulit ako rito at parang inaabangan niya pa nga ako dahil pagkabukas ko palang ng pinto ay nakatingin na agad siya sa akin at nakataas pa ang kilay.
"But I bet this isn't the first day you went here after disappearing because all of the CCTV footage was deleted," asar niya at tumingin sa kisame kung nasaan ang CCTV.
Sinundan ko 'yon ng tingin at napakagat sa pang ibabang labi, mas lalo na nung dumapo ang mga mata ko doon sa lamesa kung saan ko unang ipinulupot ang mga binti ko sa katawan ni Matt.
"Based on the redness of your cheeks, I'm already convinced that I was right."
Napahawak ako sa magkabilaan kong pisngi dahil sa pinoint out niya at naramdaman na mainit ang mga iyon, kaya tumawa siya nang mahina.
"He's in his office, go there because walang CCTV," she teased once again and motioned with her hands to shoo me away.
Natawa ako sa pang aasar niya at isang beses na tumango bago naglakad papunta roon.
Napailing pa ako ng isang beses habang natatawa parin dahil talagang nalalaman niya ang nangyayari kahit na walang CCTV.
Huminga ako nang malalim bago kumatok ng isang beses sa pintuan ng office niya at agad kong narinig ang pagtahol ni Seren followed by his Dad/my husband's footsteps, and then the door swung open.
He smiled at me but I don't need to stretch my face anymore dahil kanina pa ako nakangiti.
"Hi," I uttered shyly and tucked some strands of my hair behind my ear.
Hindi rin ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sinusubukan kong itago ang mukha kong mas mapula pa sa kahit na anong pula sa buong mundo.
"I will take a day off today, do you wanna go to the cemetery or to the church? Today is not Sunday though," he said and shrugged his shoulders.
I tilted my head as I look at him dahil...dahil paano niya nalaman?
Paano niya nalaman na dumadalaw ako sa sementeryo at sa church tuwing Sunday? Nagkita kami roon accidentally before but it was just once.
He was staring at me so he noticed the confusion on my face. "One of the sisters in that church was one of the people who raised me in the orphanage and she told me that you never skip a Sunday to visit," he explained, pero mas naguluhan lang ako kaya mas nagkasalubong ang mga kilay ko.
"Kilala niya ako?" tanong ko dahil sa pagkakaalam ko, wala akong ka-close na sister doon.
Never pa nga akong kumausap ng kung sino doon sa tuwing bumibisita ako.
"I showed your picture," confident niyang sabi at ngumiti pa.
Mas nadadagdagan ang mga tanong sa isip ko sa bawat mga sagot niya sa akin at sigurado akong hindi ako lulubayan ng mga iyon, kaya huminga ako nang malalim para itanong lahat.
"You have a picture of me?"
Natigilan siya sa tanong ko at mabagal na nag iwas ng tingin sa akin, kaya unti-unting may sumilay na ngiti sa labi ko at humakbang ng isang beses palapit sa kanya para pagmasdan ang mukha niyang medjo namumula.
"Pinicturan mo ako? Ikaw ha!" I teased at sinundot ang tagiliran niya kaya napaatras siya.
Napahawak siya doon at gulat na napatingin sa akin pero pinanliitan ko lang siya ng mata habang mapang asar na nakangiti sa kanya.
"Bakit mo ako pinicturan? Narealize mo na siguro kung gaano ako kaganda, noh," I jokingly said and laughed.
While he poked his tongue to the inside of his cheek as the side of his lip rose up, tapos mabagal siyang tumango sa akin.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...