"Ma? Pa?" I called the two people in front of me.
Nakatalikod silang dalawa sa akin pero siguradong-sigurado ako na sila ang mga magulang ko dahil kahit na ilang taon na ang lumipas simula nung iniwan nila ako ay kabisado ko parin ang tindig nila.
Bigla nalang akong nagising kanina at natagpuan ang sarili rito sa lugar na hindi ako pamilyar dahil sobrang maliwanag dito at napapaligiran ng mga puno habang ang mga paru-paru ay tila mga rosas na sumasayaw sa himpapawid, kaya nag lakad-lakad ako hanggang sa matagpuan ko ang mga magulang ko.
"M-Ma...P-Pa..." muli kong pag tawag sa kanila sa gitna ng pag iyak, at sa wakas ay mabagal silang lumingon sa akin.
Sinalubong ako ng mainit na ngiti ni Mama, habang si Papa naman ay malamlam na nakatitig sa akin.
Agad akong tumakbo palapit sa kanila at walang inaksayang panahon para yumakap dahil matagal ko na itong pinangarap—ang mahagkan ulit sila.
Naramdaman ko ang pagyakap nila pabalik sa akin, kaya mas nagsumiksik ako para damdamin iyon.
"Victoria," malambing na sambit ni Mama sa pangalan ko kaya mas napaiyak ako dahil matagal kong hindi narinig 'yon.
Hinawakan niya ang balikat ko at maingat na itinulak palayo, pero nang mag mulat ako ng mga mata ay wala na ako sa harapan nila dahil nasa malayo na ako at nakikita sila from a third point of view.
The place also changed dahil bigla nalang kaming napunta sa mansion— 'yong mansion na punong-puno pa ng buhay dahil buhay pa silang dalawa kaya maaliwas tignan.
Magkatabi at nakatayo parin ang mga magulang ko, pero hindi na ako ang kaharap nila, kundi isang batang babae na nakasuot ng pamilyar na headband—it was me.
The little girl was me.
She was staring up to our parents and it was obvious that she was listening intently to whatever they were saying.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, anak?" malambing na tanong ni Mama sa batang ako at hinawakan ang braso para itaas ang palapulsuhan. "Diba, sabi ko sayo na wag mong sasaktan ang sarili mo dahil nasasaktan din ang Mama?"
Kumirot ang puso ko mula sa narinig, at kagaya ng ginawa ni mama sa batang ako ay itinaas ko rin ang palapulsuhan para tignan ang ginawa kong pananakit doon.
The cuts and blood were still fresh, pero hindi ko nararamdaman ang sakit mula roon dahil mas nag uumapaw ang sakit sa dibdib ko.
Ibinigay ko ulit ang atensyon ko sa harapan at nakita ang batang ako na lumingon kay Papa para humingi ng tulong, pero bumuntong hininga lang siya at umiling.
"You shouldn't be here, Victoria. You're too early," he said and the little me looked like she understood it because she nodded her head. "Stop forcing the time to be on your side because you can't."
Sabay kaming napayuko ng batang ako na parang parehas kami ng naramdaman sa sinabi ni Papa.
"You should go. Run. Run as fast as you can," determinadong sambit ni Papa.
Napaangat ng tingin ang batang ako at sumilay ang ngiti sa labi niya bago siya tumango at tumalikod sa kanila para tumakbo.
Tumatakbo siya palapit sa direksyon ko habang parehas naming naririnig ang paalala at sigaw ng mga magulang namin.
"Don't falter, Victoria. We'll wait for you here again, and don't be worried about being late."
Malapit na sa akin ang batang ako at nang malampasan niya na ako ay agad akong tumakbo para sundan siya, hanggang sa mahulog kaming dalawa sa nakakasilaw na liwanag.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...