Chapter 39

7 1 0
                                    

Naging tahimik ako sa buong oras na nagtatrabaho kami ni Bryle dahil hindi matigil ang utak ko sa kakaisip sa ilang beses nilang binanggit sa akin ngayong araw....wedding.

They were all excited about it and it was making me feel uncomfortable because I wasn't as excited as them.

I feel like the excitement on my body since the first day I planned about it kahit na hindi ko pa kilala si Matt ay biglang nawala at napalitan ng takot.

Of course, I still wanted to marry him pero hindi ko kayang sambitin sa harap ng altar ang 'till death do us part dahil natatakot akong baka ilang araw lang o oras ang lumipas pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na mangyayari.

We will be parted by death.

I left Bryle's unit earlier than I should be dahil natapos kami agad, at nahihiya ako sa kanya dahil halos siya na ang gumawa ng lahat. Ang naging ambag ko lang ay 'yong pag dikit ng feathers doon sa wings.

Hindi ko tinawagan si Matt or nagtext man lang na sunduin niya na ako kahit na ilang beses siyang nagtext sa akin kanina na icontact ko siya kapag uuwi na para masundo niya ako.

Gusto ko kasi munang mapag isa.

Kaya mag isa rin ako ngayong nakaupo sa passenger seat ng sinakyan kong taxi na kanina pa umiikot t sa buong syudad dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga punong nadadaanan habang hinahangin ang buhok dahil sa nakabukas ng bintana, hanggang sa matanaw ko ang pamilyar na daan.

"Jan sa subdivision na 'yan, manong," I told the driver and pointed my finger outside the window to tell him na doon ako bababa.

Tumango siya sa akin mula sa rearview mirror at sinunod ang utos ko.

Hindi ako nagpalagpas ng kahit na anong tanawin na pwede kong titigan kaya't halos mahulog na ang buong katawan ko sa labas ng bintana dahil sa pagdungaw ko roon.

Itinuturo ko sa driver ang daan papunta sa destinasyon ko, at sa bawat pagliko ay maraming alaala ang pumapasok sa utak ko.

"Dito na po," I finally told the driver so he stopped the taxi.

Binuksan ko ang pitaka ko at palihim na nagpasalamat dahil nakapag-withdraw ako kanina kaya may pambayad ako.

I gave the driver two thousand dahil sa layo ng nilakbay namin at nagpaikot-ikot pa, bago ako tuluyang lumabas.

Tinanaw ko ang lumang mansion sa harapan ko at huminga nang malalim noong umihip ang banayad na hanging nagpabalik ng maraming alaala sa lugar na 'to.

It has been three years... it has been that long since the last time I visited our mansion—the mansion where I grew up and the place I called home.

It looked so abandoned and gloomy dahil wala ng nakatira rito, pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot. Instead, I felt tranquility.

I approached the gate and found out that it was locked kaya binuksan ko ulit ang pitaka ko para kunin 'yong susi.

Hindi ko 'yon inaalis sa wallet ko dahil alam kong may araw na babalik ako rito, at ang araw na 'yon ay ngayon.

I carefully unlocked the gate and had a hard time for a couple of minutes until I heard a click at nalaglag sa sahig ang mabigat na kadenang nakapulupot doon.

Maingay na langitngit ang pinakawalan ng gate nang itinulak ko iyon dahil sa sobrang tagal nang hindi nabubuksan, at pagkatapos ay humakbang ako papasok.

Luminga ako sa paligid habang may maliit na ngiti ang unti-unting namumuo sa labi ko dahil sa pag alala ng masayang kabataan ko rito noong buhay pa si Mama at Papa.

Body ClockWhere stories live. Discover now