Hindi ako mapakali dahil kadarating ko palang dito sa school ay segu-segundo ko nang chinecheck ang oras sa wall clock, wrist watch, at phone ko kaya kanina pa rin ako tinatapunan ng tingin nitong tatlo kong kaibigan na hindi ako makausap nang maayos simula pagkarating ko.
Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung anong uunahin ko!
Hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila na talagang ikakasal na ako.
"Natatae ka ba, Vicky?" hindi na napigilang tanong ni Dakota.
Lahat sila ay nakatitig sa akin at hinihintay ang sagot ko kaya tumitig ako pabalik sa kanila at sa huli huminga nang malalim para sabihing na sa kanila 'yong kanina ko pa iniisip kaya hindi ako mapakali dito.
"Girls," pag uumpisa ko at kagaya ng palaging nangyayari ay nakuha ko agad ang atensyon nila kaya lumapit sila sa akin.
Titig na titig silang tatlo at hindi ko alam kung sino ang titignan ko kaya pumikit nalang ako at huminga nang malalim.
"Ikakasal na ako." Mas napapikit ako at napakagat pa sa labi habang sila naman ay iba-iba ang reaksyon.
"Ha?"
"Alam ko."
"So, kailan?"
Ang dami nilang tanong sa akin kaya bumuntong hininga ulit ako para iready ang sarili na ikwento sa kanila kung paano ko nakita si Charms kanina at kung ano ang pinag usapan naming dalawa.
I told them the story detail by detail pati na 'yong paano huminto ang pag tibok ng puso ko at ang paligid ko noong sinabi niyang buntis siya at kasal na.
Attentive naman silang nakikinig sa akin at walang nag tatanong o nag sasalita hanggang sa mabanggit ko na 'yong oplan ISDM.
I explained it and also told them that Charms wanted to help me na maging bride ni Matt, na hindi ko naman tinanggihan dahil ayun din naman ang plano since day 1, at gusto niya akong pumunta ng clinic tomorrow para maumpisahan na namin 'yang oplan ISDM niya.
"So ano pang ginagawa mo dito? Go na!" hiyaw ni Maisey at mahina akong itinulak para paalisin na rito.
'Yong dalawa naman ay tumango sa sinabi niya at pinagtatabuyan na rin ako kaya tumayo na ako at mabilis na kinuha 'yong bag ko bago tumakbo palabas ng classroom namin dahil hindi ko na kayang ipabukas pa 'tong plano namin ni Charms.
"Isama mo si Seren!" rinig ko pang sigaw ni Jolene bago ako tuluyang makalayo sa kanila, at kahit na hindi na namin nakikita ang isa't isa ay tumango parin ako.
Mabilis akong tumakbo papunta ng parking lot at sumakay agad sa kotse ko kahit na hindi na ako makahinga dahil sobra akong hinihingal sa bilis at layo ng tinakbo ko, kaya hinawakan ko muna 'yong dibdib ko na sobrang pumipintig at hinabol ang pag hinga bago ako nag drive paalis.
Dumaan muna ako sa apartment bago dumiretso sa clinic dahil kukunin ko nga si Seren kasi baka namimiss niya na rin ang tatay niya, at noong makarating kaming dalawa ay agad siyang naglikot nang nakita niya 'yong clinic dahil siguro ay naaalala niya pa 'yon at alam niyang andoon ang tatay niya sa loob.
Mabuti nalang at nakatali na siya ngayon dahil baka malaglag ko siya sa sobrang likot niya, hindi kasi mapakali 'yong buntot niya at gusto na agad tumakbo papasok doon, kaya naglakad na ako para makapasok na kaming dalawa dahil pati ako ay sobrang excited na makita 'yong tatay niya.
Binuksan ko 'yong pintuan at ang una kong ginawa nang makapasok ay ang hanapin si Charms kaya dumiretso kami roon sa reception area at napahinga nang maluwag nang makita siya roon.
Napaka ironic talaga ng buhay, dahil nung una ay ayaw ko siyang makita rito pero ngayon siya ang hinahanap ko.
"Charms," I called her and smiled when she turned in my direction.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...