"Saan ka ba galing!?"
"Halos mabaliw kami kakahanap sayo, Vicky!"
"Kasama mo daw 'yong Doctor?"
"Gago ka, nakichismis pa ako doon tungkol sa inuwing babae raw nung Doctor. Tapos ikaw pala 'yon!"
Samu't saring sermon at tanong ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko pagkauwi ko ng apartment pero hindi ako nabadtrip dahil hinatid lang naman ako pauwi ni Doc, na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Pero okay lang 'yon dahil apelyido niya lang naman ang kailangan ko sa marriage certificate.
"Bakit ba kanina ka pa ngiti nang ngiti jan? Nababaliw ka na ba, Vicky?" tanong ni Jolene sa akin sabay kutos pero hindi ko siya binawian, hindi kagaya ng karaniwan kong ginagawa dahil feel ko ang pagiging mabait na tao ngayong gabi.
"Uh-ha, siguro pogi 'yong Doctor na sinasabi nilang kasama mo, noh!" Hinampas ni Dakota ang braso ko pero imbes na mairita ay napahagikgik ako dahil tama siya.
"Hala! Pogi, real?" pagsiksik ni Maisey sa usapan namin.
Hinila niya pa ang buhok ko pero hindi parin ako nagalit.
Bugbog na bubog ako sa kanilang tatlo sa gabing 'to pero feeling ko ay okay lang dahil good mood na good mood talaga ako, at baka kapag inuto pa nila ako at sakayan ang pagiging feelingera ko ay baka sagutin ko pa ang grocery naming lahat for a month.
"Wala akong pakealam kung pogi man 'yan or mukhang alipunga. Basta sa susunod magpaalam ka, Vicky. Halos atakehin si Tatay nung sinabi kong nawawala ka, at kung hindi ka pa talaga umuwi ay nagpatawag na siya ng police," pagdadakdak ulit sa akin ni Jolene.
Guilty nalang ako na napanguso dahil naiintindihan ko siya. May trauma na kasi kaming lahat noong last time na nawala ako.
High school palang ako noon kaya hindi ko pa kilala si Dakota at Maisey pero kilala ko na si Jolene dahil Tatay niya nga ang family lawyer ko, na parang naging Tatay ko na rin simula noong namatay ang parents ko dahil siya ang kumopkop sa akin, kaya sobrang laki talaga ng utang na loob ko sa kanila.
Hindi sa pagmamayabang pero well-off ang family ko dahil si Papa ay French na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo rito sa Pilipinas at sa bansa niya, habang si mama naman ay engineer.
Unang namatay si Mama due to heart failure. Noong una medjo okay naman dahil hindi nila pinaalam sa akin na may problema pala kami, Hanggang sa sumunod na namatay si Papa dahil naman sa stroke, at doon ko lang nalaman na nag aaway-away pala ang buong angkan ko dahil sa perang naiwan ni Mama, at sumunod naman dahil sa pera ni Papa noong namatay siya.
At dahil nga naging orphan ako, pinag agawan nila ang custody sa akin, but not to take care of me, kundi dahil para sa perang naiwan ng parents ko. Kaya noong nalaman ko 'yon ay agad kong kinausap ang family lawyer namin na Tatay nga ni Jolene. Sinabi ko sa kanya na i-hold lahat ang pera at mga properties ng magulang ko hanggang sa mag 18 ako. Sobrang bata pa ako nun at walang alam sa batas pero nanalo parin ako.
Nasa France karamihan ang mga relatives ni Papa kaya kalaunan ay nawalan na rin sila ng pakealam sa akin, which was a good thing for me dahil wala rin naman akong pakealam sa kanila.
Ang mga relatives talaga ni Mama ang kaaway ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin nila ako tinatantanan.
So going back, ito na ang aming greatest trauma, I was high school when this happened. Galing akong mall nito at napagdesisyonan kong maglakad pauwi dahil malapit lang naman ang mansion namin sa mall, at habang naglalakad ako, may humintong van sa harapan ko at sapilitan akong isinakay.
In short, I was kidnapped.
And guess what, it was my Tito—my mother's cousin.
Fortunately, nahanap nila ako Attorney at nahuli iyong Tito ko, na hanggang ngayon ay nakakulong parin.
YOU ARE READING
Body Clock
General FictionIn the small town of Virdilla at the end of summer of 2016, there was a girl on a mission to find her eternal true love. She, Victoria Celine Bonavich was a twenty-one-year-old orphan and fashion design student has been enchanted by the idea of mar...